CHAPTER 31: Alison Smith

807 24 15
                                    

FRANCESKA's POV

"Hi." bati ko kay Bernard Luis Braganza III. 

"Meet my daughter Alison. Alison this is Bernard, my godson. And oh, Luis my well.. bestfriend." sabi ng daddy ko habang nakatingin ako sa mga mata ni Bernard. Mga matang nagtatanong ng, 'paano?', 'bakit Alison? Hindi ba dapat Franceska?'

Alison? Oo. Ako si Alison Smith. Pinili kong palitan ang pangalan ko kasabay ng pagbabagong buhay ko. Gusto kong ibasura na si FRANCESKA at mga ala ala niya. TRIP? Well, ako naman ang mantitrip ngayon.

"Hi Mr.Luis." nakipagkamay ako sa daddy ni Bernard. "And also to you, Bern-" hindi pa man din ako tapos sa sasabihin ko nang yakapin ako ni Bernard. Mahigpit na tipong miss na miss niya ako. Parang pinaramdam niya sakin yung walong buwan na pangungulila niya.. at aaminin ko, sobrang namiss ko din siya. T____T

.

.

.

.

.

.

pero sus! Lokohin niya lelang niya!

"Hindi ako makahinga.. ano nga ulit pangalan mo?" sabi ko sakanya. Tapos nakita ko yung pag kunot ng noo niya. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi ko siya kilala.. Well, I taught my heart to get rid of him.

"B-Bernard." mukang nakuha naman niya yung pinapahiwatig ko.

"Maupo na tayo." sabi ni daddy.

Umupo si daddy at si mommy at malas ko, katapat ko si Bernard. >_____<" Habang inihahanda ng waiters yung pagkain namin, nararamdaman kong tumitingin sakin si Bernard. Yung tingin na nanunuri, nagtatanong at nagtataka. Hah! Para sa kaalaman niya, iba na talaga ako ngayon. Hindi na ako yung Iskang utu uto.

Kahit ba sabihin niyang hindi niya ako niligawan, o kaya pinaibig.. hinahalikan niya kaya ako! At ramdam ko naman na may nararamdaman siya sakin, pero hindi.. trip lang pala. Kaya naisip ko na ako naman ang maglalaro, paiibigin ko siya.. sa huli, wawasakin ko siya at sasaktan ng mas matindi pa sa naramdaman ko.. yun ang silbi mo, Alison.

"Iho, may nobya ka na ba?" tanong ng daddy ko. Ewan ko ba kung bakit bigla akong pinagpawisan sa tanong niya. Hmp! Nakakainis.

"Wala pa ho." tipid na sagot niya. Malamang! E mas manhid pa yan sa bato!

"Nasubukan mo na bang magmahal?" sabi pa ng daddy. Aba't slambook lang? Ang chismoso. >_<

"Oho. kaso hindi ko ho naipagtapat." hindi naipagtapat? Samantalang naging girlfriend pa nga niya yung Jeighn na yon! Sinungaling talaga.

"Bakit naman?" ako na yung nagtanong. Paaaminin kita Bernard ka. 

Tumingin siya sakin ng malalim at ng seryoso.

"Umalis kasi siya kaagad. Tinanong niya ako nung una.. pero hindi ko nasabi yung totoo kong nararamdaman. Natakot kasi ako na baka hindi naman kami parehas ng pakiramdam. Ayoko na kasi ulit masaktan.. so I chose to play safe. Isa pa, girlfriend na siya ng pinsan ko."

At that point, nalunok ko nanaman yung lahat ng nilalamon ko. Nasamid nanaman ako. >_< Inalo naman agad ako ni mommy.

"Iha, be careful. Are you okay now?" si mommy.

"Opo. Salamat po."

Tumingin ako kay Bernard. Ano bang pinapahiwatig nitong mokong na to? Biglang naalala ko yung shower moment namin.. kung san nangyari yung failed confession. WAA! Pag  naaalala ko, lalo akong nagagalit. >_< Ako kaya yung tinutukoy niya? Pero hindi eh.. ang sabi niya kasi mahal niya yung taong yon.. imposible namang ako yon kasi-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beauty and the GEEK -- Chapter 31Where stories live. Discover now