CHAPTER 19: The "Antagonists."

712 16 5
                                    

Happy New Year to all my readers and also to all watty members! :) Have a peaceful and prosperous 2k12! ^_____^

HAPPY READING! 

 ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

~FRANCESKA POV~

Bakit? Bakit? Bakit kaya? Hmm. Parang may tinatagong lihim tong Nerd nato. Bigla siyang namutla nung banggitin ni Madam na dadating ang Ama niya at kapatid niya eh. Baka naman..

A. Galit siya dito? Kasi bata pa lang siya pinagmamalupitan na siya?

Pwede namang...

B. May ALERGI na siya sa kuya niya o kapatid niya kasi lagi siyang kinakanti nang mga yon?

O baka naman...

C. May TROMA na siya sa mga yon kasi... kasi  pinagsasamantalahan nila si Bernard?HAHAHAHAHA! 

Ang likot nanaman ng imahinasyon ko. Ikaw talaga Iska. Ang dami mong alam!

.

.

.

.

.

JOKE. XD

"Hoy Iska." si Bernard to pustahan.

"Ano? Problema mo nanaman?" Nagulat nanaman ako sa ichura niya. Mukha nanaman siyang busabos. XD Mukhang matanda! XD Nakapormaldres nanaman! Okay na nga yung kanina diba? Diba? Tssk. >_____<

"Natulala ka dyan? Nahumaling ka nanaman sakin? Sabi sayo mas bagay to sakin eh." Ang kapal ng mukha. Gusto ko nga siyang batukan eh! Amo nga lang siya. Gwapo na kanina... gwapo padin naman ngayon kaya lang kulang sa porma. Alam niyo yon? Tapos naka salamin nanaman. =____=

"Nahuhumaling mong mukha mo. Mukha ka ngang bumbay na maniningil ng 5-6 eh? Saka yung walang kamatayang salamin mo, sinuot mo nanaman!"

"Yeah. My dad is a half-indian. Anong nakakapagtaka don?"

"Ahh kaya pala mukha kang bumbay.. Ahmm, Bernard."

"What?" Nakakatakot naman mag kwento dito. Mukhang galit lagi. Galit ata to sa mundo eh? Siguro nung ipinagbubuntis siya ni Madam laging magkaaway yung mag asawa? Para kasi siyang pinaglihi sa sama ng loob. ^_____^v

"Kasi ano.."

"Ano? Wag mung sayangin ang oras ko." OKAY! PAYN! Magsasalita na. 

"Nag aaral kasi ako samin. May naiwan ako dung mga gamit. At saka iiwan ko ba yon para makapag aral lang sa school mo?"

Tumaas lang yung kilay niya. Bakit kaya? May iniisip nanaman siyang masama siguro. >__<

"Akala ko ba ikaw tong gusto talagang mag engineering? Eh bakit parang nag aalangan kapa? Kung gusto mo sa school ko,  Shempre iiwan mo yung school  mo don. Alangan namang pagsabayin mo yung dalawa? Ano ka henyo?" Ang yabang naman nito! Oo na! Diko naisip yon. =___=

"Sabi ko nga eh. Tuturuan moko lagi ha? Baka kasi hindi ko yon makaya." 

"Gusto mo yon eh? Bakit naman hindi mo kakayanin? Pag gusto mo siguraduhin mong kaya mo." Antipatiko talaga! Nakakainis!!

Beauty and the GEEK -- Chapter 31Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon