Backmasking

69.2K 930 123
                                    

Taong 2007 nang nakabili ang magulang ni Enix ng bahay at lote sa probinsya ng Laguna, lugar ng Majayjay. Ang daan patungo sa lugar ay makipot at baku-bako. Tila ba nakalimutan na ito ng mga kinauukulan. Magkagayunman ang tanawin sa lugar ay hindi mapapantayan ng kahit anu mang halaga. Nakakatawa na kahit walang kontribusyon ang lokal na pamahalaan sa ganda ng lugar eh kumikita sila sa turismo.

Hindi ito ang unang beses na napunta ang pamilya ni Enix sa probinsya. Sa totoo lamang ay parang naging panata na nila na bumalik-balik doon lalo na sa tuwing mainit sa siyudad. Isa pa, presko at kaaya-aya ang hangin hindi tulad sa Maynila na nakakasulasok ang amoy sa tuwing ibababa mo ang bintana ng iyong kotse. Nang makakita nga sila sa peryodiko ng property na mababa sa karaniwang presyo sa merkado ang halaga ay hindi na sila nagatubiling bilhin iyon.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nang dumating nga ang buwan ng Abril, araw ng bakasyon ay isinabay na ng kanilang ama na mag-file ng vacation leave upang makasama sa kanilang pamilya ng mas matagal na panahon. Pagkakataon na nila para ayusin ang bagong bilhi nilang bahay. Sabi pa ng kanilang ama, tiyak na magugustuhan nila ang lugar dahil maaliwalas iyon.

Halos anim na oras ang tinagal nila sa daan. Kapagdakaý nagpapalit ng p'westo ang kaniyang magulang lalo na kapag napapagod ito sa pagmamaneho. Ilang oras pa at alam mo na na narating mo na ang lugar ng Majayjay. Naroon ang mga taong may hawak na bandera na nagsesenyasan kung maari ka nang lumiko o hindi pa. Sa sobrang kipot kasi ng daan ay isa lamang ang kakasya sa daan. Wala namang ibang ruta maliban doon.

Pagsapit nila sa kanulang destinasyon ay dali-daling nagpahinga ang ama ng kanilang tahanan. Bukod kasi sa trabaho ay napagod iyon sa haba ng býahe. Ang bahay ay sapat lamang sa isang pangkaraniwang mag-anak. HIndi rin naman kalakihan. May tatlong kwarto sa ikalawang palapag na may maliit na tirasa na may nakapaligid na rehas na bakal.

 May tatlong kwarto sa ikalawang palapag na may maliit na tirasa na may nakapaligid na rehas na bakal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Walang fire exit?" pansin ng kanyang Mama habang iniinspeksyon ang tirasa

Sadyang ganoon na yata ang lahat ng Ina. Mas inuuna nito ang kaligtasan ng mag-anak bago pa ang ibang bagay. Napakunot noo siya na parang hindi nagustuhan ang nakita. "Hon, pagawan mo ng fire exit dito sa terrace. Mahirap na kapag nagkasunog. Saan tayo lalabas kapag nagkataon?"

Pinoy Horror Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon