take seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

"S-Sorry po, ako na lang po ang magbabayad ng Elec-Electric bills nin-yo," utal-utal na sagot ko.

"Ngayon naman, nanghihimasok ka? Sino? Sabihin mo nga, sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan?!"

Napapikit na lang ako. Tatlong araw na ako dito at halos magkombulsyon na ako sa takot sa tuwing sumisigaw ang Nanay mo. Jusko, hindi ko nga alam kung bakit hindi pa rin siya napapaos gayong araw-araw siyang sumisigaw na parang putol-litid lagi sa lakas nito.

"H-Hindi ko naman po sinasadya," nakatungong sagot ko.

Narinig ko na lang siyang bumuntong-hininga. Ilang minuto muna siyang nanahimik bago pinindot ang TV at Electric fan.

"Ang hirap kasi sainyo, ang akala niyo, madali lang humanap ng pera! Para sa kaalaman mo , ang bawat sentimong ginagastos ko dito ay galing sa pagod, puyat at dugo ko kaya wag na wag kang magkamaling lumustay ng mga bagay na hindi naman mahalaga lalo na kung andito ka sa pamamahay ko! Hala, maglaba ka doon!"

Tinuro ng Nanay mo ang pintuan papunta sa likod ng bahay, du'n kasi nakalagay ang Washing Machine ninyo. Hay salamat, washing machine, hindi ko na kailangang kumusot-kusot pa. Napabuntong-hininga ako nang makita ang gabundok sa tayog na labahan. Pakanta-kanta pa ako habang ibinubukod ang de-kulay sa puti. Aba, magaling ata ako, hindi ako tulad ng mga spoiled na kabataan ngayon na hindi marunong maglaba. Tinuruan ako ni Nanay maglaba kaya pwedeng-pwede na talaga, pwedeng-pwede na akong mag-asawa.

Habang nagmumuni-muni ay hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa'king mukha, pa'no ba naman kasi, iniisip ko pa lang na ganito rin ang gagawin ko kapag nag-asawa na tayo, solb na ako. Kahit magmukha pa kong house-band ay okay lang, basta ba para sa'yo. Gagawin ko 'to tuwing linggo dahil 'yun lang ang dayoff ko. At dahil alam kong pagod ka sa pag-aalaga sa mga anak natin eh pagpapahingahin kita tuwing linggo. Pagsisilbihan kita na parang prinsesa, ang linggo ang araw para sa atin.

Pangiti-ngiti pa ako habang naglalagay ng powder sa washing machine ng biglang marinig ko na naman ang sigaw ng Nanay mo.

"At sinong nagsabi sayong pwede kang gumamit ng Washing Machine ko? De-kuskos dito! Umalis ka nga d'yan at wag na wag mong gagalawin ang washing machine ko! Maglaba ka gamit ang kamay mo! Anong akala mo sa sarili mo? Sineswerte? Aba! Matuto ka ngang magbanat ng buto!"

Utang na loob! Pagod na pagod na ako. Tiningnan ko ang likod ng Nanay mo gamit ang matalim na tingin ko, baka sakali kasing mahati siya na parang ginamitan ng Laser Beam pero napabuntong-hininga na lang ako. Kahit ganyan siya, kailangan kong tiisin 'yun kasi alam kong hindi ka matutuwa kapag sinalungat ko ang Nanay mo. Kahit pagod ay agad akong tumalima, kinuha ang itim na planggana at nagsimula ng bumuhos ng detergent powder. Nilagyan ko rin iyon ng tubig bago nagsimulang maglaba.

Pero bago pa man ako makapagpatuloy ay narinig ko na lang ang paa ng Nanay mo palayo sa kinatatayuan ko. Hanggang kelan kaya siya magiging ganito sa'kin?

Huminga na lang ako nang malalim at inatupag ang mga labahin. Sa dami ng labahin na to, hindi ko alam kung kelan pa kaya ako matatapos sa paglalaba rito. Pero sige na lang, martir na kung martir pero ngayon pa ba talaga ako susuko? Kailangan kong makuha ang loob ng Nanay mo, kailangan kong pagtiwalaan niya ako, sa ganoong paraan ay masisigurado kong hindi ka malalayo sa piling ko. Ayaw ko namang mangyari 'yung it's you and me against the world or against your mother. Gusto ko, lahat ay hindi tutol sa kung ano ang meron tayo. Ayaw kong maging illegal boyfriend mo. Ilang taon rin ang tiniis ko para dito kaya hindi rin ako susuko.

Iisipin ko na lang na para naman sa'ting 'tong ginagawa ko.

Alas otso na ng gabi nang matapos akong maglabada. Ramdam ko na ang paltos sa kamay ko, ni hindi ko pa nga to ginagawa sa bahay eh. Pero sige na lang, para sa'tin naman 'to eh. Latang-lata akong pumasok sa bahay at kahit pagod ay kinuha ko na ang karton para higaan. Gusto ko na lang matulog sa sobrang pagod. Kailangan ko rin kasing gumising ng maaga bukas dahil maaga rin ang pasok ko. Kung bakit ba naman kasi may kung anong pumasok sa utak ng Nanay ko at talagang pinatira niya pa ako dito. Hay.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon