Sh*t 7.0

23 2 0
                                    

"A-Anong bang pinagsasabi mo? Bakla ako bhe. Hotdog ang hanap ko hindi tahong," sabay tumawa si Brian ng pagkalakas-lakas.

"Bhe kain na tayo sa canteen," yaya sa akin ni Brian habang ako naman ay kasalukuyang nagbabasa ng wattpad. Tumugon ako nang hindi man lang siya tinitingnan, "Busog pa ako."

Naramdaman kong bumusangot ang mukha niya bago umalis. Wala si April ngayon kasi nagpapractice sila ng Play stage, great project nila 'yon sa club nila bago makagraduate kaya madalas na hindi na siya nakakasabay sa amin dahil lagi siyang busy.

Gusto ko nang lumayo sa kanya. Gusto ko na itigil ang nararamdaman kong ito. I see him as a man not a gay friend nor ordinary gay. Siguro nga, na kahit may katiting na tsansa na magkatuluyan ang dalawang tao ay hindi na lang ito papansin dahil mas malaki ang bahagi na hindi talaga. My love is just a fraction of what he really needs. He needs love and is expecting to receive that from whom his same sex.

"Gicelle, coffee?" Sumulpot naman sa harapan ko si Tommy, ang ex-boyfriend ko.

"Thanks but no thanks," tulad nang ginawa ko kanina kay Brian ay hindi ko rin pinansin pa si Tommy. Ilang minuto ang lumipas at napagdesisyonan ko nang umalis. Ngunit napatingin naman ako sa kape na iniwan ni Tommy sa ibabaw ng table kanina, may maliit na sobre na kulay rosas ang nakadagan do'n. Binuksan ko ito at binasa.

"Next month is my 20th birthday. I know that that was also the fourth anniversary since we broke up," napasmirk naman ako.

"I am a shameful man to say this but I'm expecting you to come. Let's start over again. Your presence will serve as my second chance, please come."

Matapos ko itong basahin, nakaramdam ako ng sincerity. Maaring hindi naging maganda ang una naming pinagsamahan pero malay naman natin maging simula iyon nang panghabang buhay? Or panglife time? Bata pa naman kami, marami pang makikilala, marami pang matututunan. Who knows?

Itinago ko ang sobre sa aking bag at ininom ang kape na lumamig na dahil sa mga nakalipas na minuto bago umalis.


Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang umaga iyon. Pangatlong araw na simula n'ong lunes nang matanggap ko ang sobre. At pangatlong araw na rin nang pag-iwas ko kay Brian.

Noong Tuesday,

Tumabi siya sa akin. "Bhe narelease na 'yung music video ni Jonghyun, napanuod mo na ba?"

Umiling lang ako habang nagpapanggap na nagrereview sa Philosophy. Ilalagay niya sana ang isang ear phone sa tenga ko pero umilag ako. Ang pagkunot ng noo niya ay siya ring pagkurot sa puso ko. Pinilit kong nguniti sa kanya at dumating na ang aming professor.

Si April? Madalang na rin kami magkita. Lalo sa Friday na 'yung stage play niya. Pero kanina pumunta siya para imbitahan kami. Wednesday ngayon.

"Pumunta kayo ni Brian ah," ngumiti siya nang malawak habang nang ibigay niya sa amin ng VIP ticket sa theater nila.

"Sama mo si Draco, Gicelle."

Napangiti lang ako at ganun din si Brian. Umalis si April, naramdaman kong nakangiti sa akin si Brian at nagtanong, "Gicelle, sabay tayo ah?"

Tinawag niya ako sa pangalan ko, naramdaman kong parang may mga paru-parong lumilipad sa aking tyan na parang lumalason naman sa kaibuturan ng puso ko.

"Sige na, magsisimula na 'yung praktis." Umalis na siya sa pwesto ng mga girls at bumalik sa pwesto nila. Uwian na noon at umuulan rin.

Gabi na kami pinauwi dahil sa praktis sa graduation. Wala nang masakyan dahil rush hour na.

"Gicelle, sumabay ka na sa akin."

Isinilong niya ang payong n'ya sa aming dalawa. Ngumiti naman ako ng peke at tsaka nagpalusot, "Hindi na. Mauna ka na susunduin ako ni Kuya."

"Okay lang-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang sabihin ko sa kanya na, "Kaya ko na."

Hindi man kumbinsido sa sinabi ko nagsimula na siyang maglakad, pauwi. Palayo sa akin.

Mga tatlumpong minuto ang nakalipas nang hindi ko namamalayan na sinusundan ko na pala siya. Basang-basa ako ng ulan, humahakbang palapit sa kanya pero siya rin naman paghakbang palayo sa akin. Ang sakit, ang sakit sakit. Sinasabayan ng mga luha ko ang bawat patak ng ulan at iyon lang din ang tanging naririnig ko bukod sa pinipigilan kong mga hikbi.

At ngayon, biyernes na at wala na akong maisip na palusot sa kanya sakaling may itanong o kausapin na naman niya ako.

"Gicelle, Pwede ba tayong mag-usap?" narinig ko na naman ang boses niya.

Ramdam ko siyang nasa harapan ko, at patuloy lang ako sa pagtutulug-tulugan, nasa library kami. Kinalabit niya ko, pero di ko pinansin. Hindi lang isang beses pero pang-lima na.

"Ano ba?! Umalis ka na nga!" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya binulyawan ko na siya. Pinagtitiginan naman kami ng mga estudyante at ang galit na librarian. Shit! nakakahiya!

"Kayong dalawa ang umalis!" sigaw sa amin ng librarian. Tiningnan ko si Brian nang masama na kasalukuyan din ako binibigyan ng hindi-ko-sinasadya-look.

Lumakad na ako palabas ng library nang may marinig pa akong isang katatamang lakas ng boses.

"It was my fault ma'am."

Naiiyak na 'ko. Ang sakit ng ulo ko, gawa ng sipon at ubo dahil nagpaulan ako kahapon.

"Gicelle!" tawag niya sa pangalan ko na siya namang umalingawngaw sa kahabaan ng hallway. Napatigil ako saglit at hindi na nangahas na lumingon pa. Baka makita niya ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Bigla niyang hinigit ang wrist ko na siya namang nakapagpalingon sa kanya.

Napansin kong hindi na siya naglagay ng make-up. Kailan pa?
Pero hindi ko na pinansin pa ang itsura niya dahil lalo lang ako nasasaktan.

"Ano bang problema mo?!" bulyaw niya.

Aalis na sana ulit ako pero hinigit na naman niya ako. Buti na lang at hapon na, karamihan ng estudyante ay nakauwi na.

Pumikit ako na siyang dahilan ng pagbagsak ng mga luha ko bago magsalita. "Mahal kita! 'yun ang problema ko!"

Nakita niyang umiiyak ako, naiinis ako sa sarili ko. Nagdurugo ngayon ang puso ko.

"Ano? kaya mo bang solusyonan?!"

Nakatulala lang siya sa akin at halatang nabigla, wala nang ibang bahid ng emosyon.

Hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ang lakas ko para ihakbang palayo sa kanya ang mga paa ko.

Knight in Sh*ting ArmorWhere stories live. Discover now