Chapter 22: Anger

Magsimula sa umpisa
                                    


Dammit! Paano na toh?!


Hindi naman pwedeng si Lauren ang kunin kong model dahil malaki na ang tiyan niya. Si Hazel naman alam kong aayaw yun at isa pa busy rin iyon sa pag cover ng mga kaganapan sa nangyayaring business conference na irereport niya.


"Tch!"


Kung bakit naman kasi walang professionalism yung kapatid ko. Lahat na lang personalan! Dammit!


"Everything okay, baby?", napatingin naman ako kay Kyle na ngayon ay nakatingin sa akin.


"No. Everything is not okay. I really need to get up now, may malaking problema ang team namin para sa magiging presentation namin mamaya. I need to fix it.", I told him not hiding my annoyance.

"Anything I can help you with?", he asked.


"Yeah, you can get your hands off me now para makabangon na ako at para maayos ko na yung problema.", hindi ko naman mapigilang hindi siya tarayan. Umagang-umaga kasi, problema kaagad ang dala ng kapatid ko sa akin.


The presentation later would be very important for our company that's why I cannot mess it up. Pero hindi pa nagsisimula, mukhang sira na dahil kay ate Valerie.


Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Kyle ng kamay niya na nakayakap sa akin kaya bumangon na ako.


"You know, you can stop working for AC already. You can just stay at home and take care of Kaylee. Kahit hindi ka na magtrabaho pa, kayang-kaya ko kayong buhayin ni Kaylee.", I heard him say nang makatayo ako. Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha nito.


"I can't.", sagot o naman sa kanya.


"Why?", kunot-noo namang tanong niya sa akin.


"I can't just leave kuya Kevin and the company ng ganun-ganun lang. Malaki ang utang na loob ko kay kuya Kevin and this is the only way I can repay him for the kindness he had shown me and to my family despite all what had happened. Kung hindi dahil sa kanya at kay tito Karl, baka noon ay nabaliw na ako dahil sa diretsong pagdating ng problema."


Sila ang naroroon para sa akin at sa pamilya ko nung panahon na sobrang kailangan namin ng tulong. My family's company faced bankruptcy that time at sakto pang nagkasakit si dad noon and he needed to undergo an operation.


At oo, halos mabaliw na ako noon dahil hindi ko na alam kung kanino ako lalapit para makahingi ng tulong. Nung malaman nina kuya Kevin ang nangyari sa pamilya namin, sila na ang sumagot sa pagpapa-opera ni dad at sila din ang tumulong sa amin para hindi tuluyang mawala sa amin ang company ni daddy.


"I'm sorry.", mahinang sabi naman ni Kyle pero narinig ko pa rin iyon kaya napatingin ako sa kanya.


"What are you apologizing for?"

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon