Catch me~ 10 ★

733 53 6
                                    

Fallis POV

Gabi na pero nandito parin ako sa hospital si mama nakaconfine at si Jayjay naman wala paring malay. Di ko na kaya.

pumunta ako sa nurse at nakitawag sa telepono nila dinial ko ang number ng papa ko nasa ibang bansa sya, ayaw ko man syang tawagan para di na sya mamomblema kaso di ko na kaya.

agad namang may sumagot nito, nagulat ako dahil ibang boses ang narinig ko

"Hello?" Hindi ko alam pero walang salita na lumalabas sa bibig ko

"Hello? Sino to?" Tanong nya pa ulet

"Honey sino yang kausap mo?" Isang boses lalaki alam kong si papa yun

"Hindi nagsasalita eh." Sabi ng babae at pinasa ang telepono

"Hello? Sino to?" Muling tumulo ang luha ko at napahikbi

"Pa..." Yan lang ang lumabas sa bibig ko

"Fallis? A--ano, bat ka- napatawag." Tanong nya itatanong ko na sana kung sino ang babae kanina kaso may narinig ulet ako

"Daddy! Sino yang kausap mooo!~" Halatang batang babae ang nagtanong nyon

"Wala pa.. Gusto ko lang sabihin na.. Mahal na mahal kita kahit may iba ka ng pamilya.."

Binaba ko na ang telepono at bumalik sa kwarto ng mama ko naabotan ko syang nakaupo

"Oh anak? bat ka umiiyak?" tanong nya

"Ma, Alam mo ba kung ano talagang nangyayari kay papa?" tanong ko sakanya tumulo ang luha nya

"Maa!~ Bakit di nyo sinabi! Nakakainis naman kayo eh!" Sabi ko habang pumapadyak padyak sa harap nya pero tahimik lang sya

"Mukha akong tanga kanina! Maaaaa!~ Bakit may iba na syang pamilya!" Halos maglumpasay na ako ang sakit

"Anak, pasensya na ayaw ko lang kayong masaktan.."

"Ayaw mo kaming masaktan? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Mama pamilya tayo sana sinabi mo." kanina sinabi sakin ng doctor na may sakit sa puso si mama nung una di ko alam kung bakit sya nag kasakit ng ganon pero ngayon alam ko na.

"Anak.." Umiiyak na rin si mama

"Kailan pa mama?"

"Simula ng pumunta sya ng ibang bansa ay may iba na syang pamilya." Nanglumo ako bakit ganto?

Masyado na ba akong masama at sunod sunod ang problema ko?

***

Naglalakad ako na parang zombie sa hallway ng school ang dami kong problema buti nanjan si Logan. sya ang nanjan pag umiiyak ako sya ang nagpapatawa sakin at sya ang nanlilibre sakin at di ko maiwasang lalong mag kagusto sakanya at sa tingin ko di ko lang sya gusto Mahal ko na sya.

"Fallis, may sasabihin ako." tinignan ko sya

"Ano yun Xiumin?" Ok na kami ni Xiumin pero hindi na kami close.

"layuan mo na si Logan.." Nanlaki ang mata ko

"Sino ka para sabihin yan sakin?"

"Fallis maniwala ka sakin, yung kabutihang pinapakita nya sayo ay puro kasinungalingan."

"pwede ba Xiumin? Marami akong--"

"Fallis makinig ka sakin ayaw kitang masaktan kaya parang awa mo na lumayo ka na kay Logan.."

Dahil dun sa sinabi nya ay naginit ang ulo ko

"Ayaw mo kong masaktan? Bakit Xiumin nung sinabi mo sakin na kalimutan natin ang pagkakaibigan natin sa tingin mo di ako nasaktan?! tapos ngayon sasabihin mo na layuan ko si Logan? Huh!? Xiumin! baka nakakalimutan mo sya ang nanjan nung iniwan mo ko! Sya ang nanjan nung araw na malungkot ako! Sya ang nanjan para saluhin ako nung wala ka! XIUMIN!~ SYA ANG NANJAN IKAW WALA!!" Iyak ako ng iyak tumakbo ako at hinanap ko si Logan nakita ko din naman agad sya

Lumapit ako sakanya..

"Oh Fallis?" sabi nya at nginitian ako

"Logan.. please catch me I'm falling inlove with you." I said..

Cabelza<3

Catch me I'm fallingOn viuen les histories. Descobreix ara