Catch me~ 6 ★

715 56 9
                                    

Fallis POV

"Ayos lang yan Fallis, nandito naman ako." tinignan ko kung sino yung nag salita.

"Logan?" Agad kung pinunasan ang luha ko, bawal maging panget sa harap ni crush

"Sige alis na muna ako." pero bago umalis si azlyn ay nginitian nya lang ako ng nakakaloko, Baliw talaga yung babaeng yun

Nginitian ko si Logan :)

"Wag ka ngang ngumiti kung hindi ka naman masaya." Sabi nya at hinawakan ang ulo ko sabay gulo nito >///<

Yumuko ako at katahimikan ang namagitan samin nabasag ang katahimikang iyun ng magsalita sya

"Tara, Mall tayo." Hinawakan nya ang kamay ko sabay hila

"Pero Logan may klase pa tayo yung gamit ko nasa room pa tapos hindi naman tayo papalabasin ng guard." Sabi ko habang hila nya

"Minsan lang naman to, Yung gamit mo itext mo nalang yung babaeng kausap mo kanina, Ako ng bahala sa guard." Sabi nya ng hindi manlang ako nililingon at patuloy lang sa paghila sakin, Hindi na ulet ako nagsalita syempre Its My Chance. Muhahaha! *Tawang pang baliw*

Nandito na kami sa labas ng school at naghihintay ng Taxi, Maski ako ay di alam kung pano kami nakalabas. pumara si Logan ng Taxi at nagpahatid sa Mall.

Tahimik lang kami habang nasa byahe, Iniisip ko yung ginawa ni Xiumin kanina ni hindi manlang ako nilapitan, Waaaaaaaaaaaaah!!! Bakit ba ako nagkakaganto si Logan ang kasama ko pero si Xiumin yung inisip ko.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, pwede bang wag mo muna syang isipin kahit ngayong araw lang?" Halata sa tono ng pananalita ni Logan ang pagmamakaawa.

"Pasensya na." bahagya syang tumawa

"Inlove ka nga talaga sa kjljkhhijm."

"Huh? Anong sabi mo?"

"Sabi ko ang ganda mo manhid ka lang." Sabi nya at ginulo nanaman ang buhok ko, baket ang hilig manggulo ng buhok ng mga lalaki?

***

Nandito ako sa loob ng CR ng Mall nagpapalit ng damit pagtapos kung magpalit ay lumabas na ako ng CR agad ko namang nakita si Logan na tapos na ding magpalit ng damit.

"Bakit ka may damit na ganto Logan?" Sabi ko habang nakatingin sa damit na suot ko sya kasi ang nagbigay sakin nito, dress sya kulay white at kasyang kasya lang sya sakin tapos may doll shoes na partner. Ang Cute nga tignan eh hindi sya yung pormal sakto lang na pang gala.

"Ah. Binili ko yan kahapon para talaga sayo yan." OMG!

"H-huh? Pano mo na-laman yung size ko?"

"Tss, kasing size mo lang kasi yung kapatid ko. Tara na nga, pero ang ganda mo sa suot mo." Hinila nya na ako. Bakit ang init? halos lahat yata ng dugo ko sa katawan ay nasa ulo ko na

"Nandito na tayo." natigil ako sa pagdday dream at Agad na napatingin sa paligid

"Time zone?"

"Haha, Malungkot ka diba? Dapat maging masaya ka."

***

"Haaaay! Nakakapagod!" Sabi ko habang kakaupo lang sa upuan ng Icecream parlor ng Mall

"Haha. Oo nga eh. Saglit lang mag oorder ako, Ano Flavor gusto mo?"

"Hmmm. Cookies&Cream." Umalis na si Logan at pumunta sa counter.

Napakasaya ko ngayong araw na to. Thankyou kay Logan at nakalimutan ko ang tampuhan namin ni Xiumin.

Dinial ko ang number ni Azlyn agad nya naman itong sinagot

"Hello Azlyn?"

"Waah! Nasan ka bang babae ka!?" Ayt! Di uso Hi o Hello?

"Nandito ako sa Mall kasama ko si Logan."

"Ahh. WHAAAAT!! KASAMA MO SI LOGAN!!?" Agad kung nilayo ang Cellphone ko sa tenga ko

"Tss. Lower your voice."

"Sorry, E pano yung gamit mo?"

"Yun nga eh. Sayo muna yan, Bukas dadaanan ko sa bahay nyo." Friday kasi ngayon kaya walang pasok bukas

"Sige sige, Ay Fallis kanina hinanap ka ni Xiumin."

"OH? ANONG SABI?! MALUNGKOT BA SYA?! KUMAIN NA BA SYA!? NASAN--" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Azlyn

"HEY! Can you lower your voice Fallis? Sabi ko hinanap ka lang nya, Normal lang naman sya, Hmm. Nakita ko sila kanina ng EXO sa canteen na kumakain. OKEY NA?"

"A--ayh S-sige! Babye!" Saktong kakatapos lang namin magusap ni Azlyn ay dumating din si Logan

"Sino yun?"

"Si A-azlyn." Tumango lang

Pagtapos naming kumain ay nagyaya na si Logan na ihahatid nya na ako. Bumaba kami sa tapat ng bahay namin.

"Logan, pasok ka muna."

"Naku hindi gabi na rin eh."

"Thankyou Logan."

"Para san?"

"Para sa araw na to, di mo lang alam kung ganu mo ko pinasaya Logan salamat talaga." Sabi ko at nginitian sya

"Wala yun, Masaya ako dahil napasaya kita." Kinurot nya yung pisngi ko

"Sige, Babye na naghihintay si manong driver. Haha. Sana hindi ito ang huli."

"Oo naman basta libre mo ulet." pagbibiro ko

"Hahahaha!" Tumawa sya at pumasok na sa taxi

Bubuksan ko na sana ang gate namin kaso may narinig akong isang boses, boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Fallis.. Let's talk."

*Dub* *dub* *dub*

Cabelza<3

Catch me I'm fallingΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα