Catch me~ 7 ★

694 55 10
                                    

Fallis POV

Bubuksan ko na sana ang gate namin kaso may narinig akong isang boses, boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Fallis.. Let's talk."

*Dub* *dub* *dub*

Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nya alam ko na kung sino sya

"Ayoko." Pagmamatigas ko. Nakatalikod parin ako sa kanya

"Please, Fallis we need to talk." Hinarap ko sya

"About what?" pinipigilan kung tumulo ang luha ko

Naglalakad kami ngayon patungo sa kung saan di ko alam kung saan ba kami pupunta, magkatabi kaming naglalakad kaso wala niisa samin ang nagsasalita. wala akong balak na magsalita dahil sya ang may sasabihin.

"Fallis.. sa tingin ko kailangan na nating tumigil." Huminga sya ng malalim

"Fallis kalimutan mo ng magkaibigan tayo." Natigil ako sa paglalakad at agad syang nilingon

"W-what?"

"Ayokong nasasaktan si Amalia, Ayokong nagaaway kami ng dahil sayo. Sorry Fallis pero ito lang ang nakikita kong paraan." Di ko magilan yung luha ko

"Bakit Xiumin *sobs* ako ba gusto mong *sobs* nakikitang nasasaktan? Inisip mo ba yung *sobs* mararamdaman ko *sobs* sa ginagawa mo ngayon?" Pinunasan ko ang mga luha ko

"Fallis Sorry.."

"Sorry? Anong magagawa ng Sorry mo? Nangako ka Xiumin *sobs* nangako kang hindi mo ko iiwan *sobs* pero ano tong ginagawa mo ngayon? Naniwala ako sa pangako mo!"

"Fallis.." lalapitan nya sana ako pero tinulak ko sya

"WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN!!!" Tumakbo na ako paalis di ko alam kung saan ako dadahil ng mga paa ko ng napagod na ako kakatakbo ay tumigil ako at inangat ko na ang ulo ko at nakita kung nasa tapat ako ng bahay nila Azlyn. Nasa iisang village lang kasi kame

Nagdoor bell ako at lumabas si Azlyn

"Fallis?" Agad ko sya niyakap

"Azlyn, Pwede bang dito muna ako sainyo?"

Pumasok ako sa bahay nila at si Azlyn naman ay pumasok sa kusina nila. Wala ba yung parents nya?

"Hmm. Azlyn? Nasan yung parents mo?"

"Nag out of town." Sabi nya habang nilalapag ang juice sa harap ko, kinuha ko ito at ininom.

"Gabi na huh? Tsaka bakit ka umiiyak?" naalala ko nanaman yung nangyari kanina

"Waaaaah! Azlyn! Si Xiumin kalimutan ko na daw na magkaibigan kami." sabi ko habang parang bata na umiiyak

"Yun lang naman--- WHAAAAAT!!? Nasan yang Xiumin na yan Pakyeol sya." Natawa naman ako sa naging reaction nya di ako nagkamali ng pinuntahang tao

"Pero teka lang wait, Pano ba kayo naging magkakilala ni Xiumin? Dati ko pa yan gustong itanong."

*FLASH BACK* [8years ago]

Pababa ako ng hagdan ng biglang may humila ng buhok ko

"Aww!" hinarap ko sya at nakita ko si Joy

"Ano? iiyak ka nanaman? Lagi ka nalang umiiyak napakaiyakin mo talaga." Sabi nya sakin habang nakapamewang

"Ano bang kasalanan ko sayo?" Sabi ko habang umiiyak

"Wala, Trip lang kita." sabi nya at pinagtutulak ako, ako naman ay atras ng atras sa pagatras ko di ko alam na nasa dulo na pala ako ng hagdan

"WAAAAAAH!" sigaw ko, pinikit ko ang mga mata ko at handang mahulog sa hagdan. Sana mabuhay pa ko. nakaramdam ako ng kamay sa likod ko agad kong minulat ang mga mata ko

"Ayos ka lang ba?"

*Dub* *dub* *dub*

Tumango lang ako sakanya, umayos ako ng tayo ko.

"Thankyou *sniff*" Nginitian nya ako at lumingon kay Joy

"Wag munang uulitin yung ginawa mo kanina kundi masasapak kita!" tinaas nya yung kamao nya. nanlaki ang mata ko ng hilain nya ako pababa ng hagdan at dinala ako sa playground ng school namin

"Bakit ka pumapayag na saktan ka nya ng ganun?" yumuko ako

"Di ko naman sya kayang--"

"Maging matapang ka, Dahil kung wala ako kanina baka patay ka na." Agad kong inangat ang ulo ko at niyakap sya kasabay ng pagtulo ng luha ko

"Salamat! kung hindi dahil sayo baka wala na ko. Pangako di na ulet ako magpapaapi sa ibang tao." kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko sabay ngiti

" Ako nga pala si Fallis.." nilahad ko ang kamay ko

"Xiumin.." at nakipag shake hand sya sakin

*END OF FLASH BACK*

"Nangako ako sa kanya na pag sya naman ang nasa alanganing sitwasyon ako naman ang sasalo sakanya... At sya naman nangako na di nya ko iiwan.. Pero ngayon, INIWAN NYA NA AKO."

"*Sniff* Grabe Fallis naiiyak ako." Sabi ni Azlyn sabay punas ng luha, ang babaw naman nito.

Wala ng sasalo sakin?

Cabelza<3

Catch me I'm fallingWhere stories live. Discover now