Catch me~ 5 ★

714 59 15
                                    

Fallis POV

Shit! Late na ko! Dali dali akong bumaba ng jeep at pumasok sa school. Nalate ako dahil gabing-gabi na ako nakatulog kakahintay ng text or tawag ni Xiumin, Baka kasi mag Sorry sya eh kaso wala at kanina di nya pa ko sinundo. Naiiyak na talaga ako.

Nasa tapat na ako ng classroom namin rinig na rinig ko ang ingay ng mga Classmate ko sigurado ako na wala pa si Sir, lagi namang late yun eh. natatakot akong pumasok panu ko haharapin si Xiumin? Waaaah. T____T

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto tuloy tuloy akong pumasok sa room at umupo sa upuan ko.

"Hmm. Fallis may LQ ba kayo ni Xiumin? kanina kasi magisa lang syang pumasok." tanong ni Azlyn. bukod kay Xiumin ay kaibigan ko din si Azlyn.

"Ts. Boset kasi yung isip bata nyang Girlfriend pati ba naman ako pinagseselosan?" pagmamaktol ko

"Hay naku, alam mo Fallis kong ako din yung Girlfriend ni Xiumin pagseselosan din kita no."

"Duh! mag bestfriend kaya kami." Angal ko

"Duh! Yun na nga yun eh bestfriend ka lang pero parang ikaw tong girlfriend."

"Eh kasalanan ko bang mas maganda ako sakanya?"

"Ay naku! Anong connect?"

"Ha basta! Napaka Isip bata nya."

"So magkaaway nga kayo ni Xiumin?"

"Ou, sinigawan nya kasi ako at kinampihan pa yung girlfriend nyang isip bata."

"OMG!!! SINIGAWAN KA NYA?!" nagulat ako sa ginawa nya pagtayo kaya agad ko syang hinila nakatingin na lahat ng classmate namin samin.

"Pwede ba wag kang maingay." Saway ko sakanya

"Ay Sorry. Sige tuloy."

"Tapos kaya ako nalate kasi naghantay ako ng text or tawag nya kagabi kaya napuyat ako."

"WHAAAAT!!? DI SYA NAGSORRY!!??" Tumayo nanaman sya at natabing nya yung upuan ko sa sobrang lakas ng pagkakasangga ay tumaob yung upuan ko at nahulog ako pero bago ako tuluyang nahulog nahagip ng mata ko si Xiumin na napatayo sa nangyari akmang tatakbo na sya kaso tumigil sya.

"Aw!"

"Naku Sorry Fallis." tinulungan nya akong tumayo at inayos yung upuan ko

"Ayos lang ako." Di ko alam pero biglang tumulo yung luha ko tumakbo ako palabas ng Room sinundan naman ako ni Azlyn

"Ayos ka lang? masyado bang masakit yung pagkakahulog mo? Sorry talaga." Sabi nya habang hinihipo ang likod ko

"Okey lang ako di naman *sniff* masakit yung pagkakahulog ko tsaka *sniff* sanay na ko." nginitian ko sya ng mapait

"Eh bat ka umiiyak?" halata sa boses nya ang pagaalala

"Waaah! Si Xiumin kasi di ako sinalo, pangalawang beses na to. Waaaah!" T___T para na akong bata kung umiyak

"Ayos lang yan Fallis, nandito naman ako." tinignan ko kung sino yung nag salita...

Cabelza<3

Catch me I'm fallingWhere stories live. Discover now