Chapter 6: Malling

2.3K 124 8
                                    



Chapter 6:


Aubrey Sarmiento:



"Aubrey, tingnan mo ito." Pinakita sa akin ni Flynn ang isang libro ng Twilight series.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong gagawin ko d'yan?"


"Wala. Baka trip mo lang basahin, bibilhin ko para sa'yo." Binalik niya sa shelves ang libro.


Napa-eye rolled tuloy ako ng wala sa oras. Bakit ba ako pumayag na sumama sa lalaking ito na trip gumala ngayon sa mall? Nagsisisi rin ako sa pagpayag ko na maging kaibigan siya. Paano naman kasi gulong-gulo palagi ang araw ko dahil sa kakulitan ng lalaking ito.


"Heto?" Pinakita naman niya sa akin ngayon ang isang romance pocketbook.


"I don't read romance novel. I hate romance because love didn't exist." Cold kong sabi sa kanya at iniwan ko na siya. Lumapit ako sa isang shelves na may mga naka-display na notebooks. Nakuha ng isang notebook ang atensyon ko. Isa iyong notebook na may design na musical note. Agad ko iyong kinuha. "Ang ganda." Biglang may umagaw ng notebook na hawak ko. Agad kong nilingon ang taong iyon at sinamaan ng tingin. "Problema mo, Flynn? Kitang hawak ko, 'di ba? Gusto mo kulamin kita?"


"Sus! Hindi na ako madadala sa banta mo. I'll buy this for you, sign for my everlasting friendship to you." Nagmadali siyang pumunta sa cashier ng National Bookstore.


Friendship lang? I want to curse myself. May other side ng pagkatao ko na hindi ko matanggap na ang friendship na sinasabi ni Flynn. Napailing ako. Sinapian lang pansamantala ng masamang Yokai ang utak ko. Nauna na ako sa Entrance-Exit ng National Bookstore. Dito ko na lang siya hihintayin.


Kaunti lang naman ang costumer na nakapila sa cashier kaya nakasunod na kaagad sa akin si Flynn. "Here's your notebook!" Inabot niya sa akin ang paperbag at nang bubuksan ko iyon ay pinigilan ako ni Flynn. "Don't open! Mas magandang sa inyo mo na lang buksan 'yan. Baka madumihan lang 'yan kapag naglibot na tayo."


Nagkibit balikat na lang ako. Pagbigyan, siya naman gumastos pambili nitong notebook. Eh 'di siya na rich kid. Naglakad na kaming dalawa.


"Saan mo gustong pumunta?"


Nagkibit balikat ulit ako. "I don't know. Hindi naman ako galang tao eh kaya wala akong alam kung anong meron dito sa mall bukod sa NBS, fastfood restaurant at dalawang RTW shop."


Napakamot sa ulo si Flynn. "Anong klaseng sagot naman n'yan? Seryoso ka?"


Tumango ako. "Ikaw pa naman kasi eh, binulabog mo ako sa bahay. Nakitang nanonood 'yung tao, ginulo mo." Ang sarap ng nood ko ng horror movie bigla na lang dumating si Flynn at kinukulit ako mag-mall. Si manang Hilda naman nag-text kay mama na kung pwede ako gumala, ito namang si mama tumawag at kinausap si Flynn. Hindi ko alam kung anong spell ang ginawa ng lalaking ito at napapayag niya si mama. Siya ata ang mangkukulam sa aming dalawa eh. "Tapos ngayon sasabihan mo akong anong klaseng sagot naman 'yan. Gusto mo bang kulamin kita sa mga pinagsasabi mo?"

When A Witch Fall In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon