Nakabalik na kami sa California pero hindi parin nag uusap si Cass at Sam. Napaisip lang ako, magkaayos pa kaya ang dalawang magkaibigan na to? Nagui-guilty ako dahil ako ang dahilan kung bakit hindi na sila nag uusap. Para bang ako ang sumira ng pagkakaibigan nilang dalawa. Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakitaan ng mabuti si Sam o sana hindi ko pinakita sa kanya na may pag-asa siya sa akin. Mabait kasi siya sa akin nung mga unang pag uusap namin, masaya kausap. Samantalang si Cass naman, akala ko magiging kaaway ko ang lalaking iyon habang buhay. Ngayon ako naniniwala sa kasabihang, "The more you hate, the more you love." Pero ngayong nag iba na ang takbo ng lahat, hindi na mag babago ito, si Sam ay isa na lamang kaibigan.
Bago matapos ang bakasyon namin ni Catherine ay inimbitahan ako ng pamilya niya sa isang dinner party. Sinundo ako si Cass at isinakay sa kanyang kotse, napaka gentleman niya. Sinasabi nila na hindi naman daw ganito si Casper dati, pero tuwing naririnig ko iyon, pakiramdam ko umaakyat ang dugo ko sa mukha at namumula ako. Sino ba naman ang hindi di ba? Ang isang Casper Helmsworth ay nagbago dahil lang sa isang Jaina Segarra. Nang makarating na kami sa bahay ng mga magulang nila, pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan sa paglalakad. Nakatingin silang lahat sa amin mula sa bintana. Bumulong ako kay Cass nang makita ko ang kanyang daddy na masama ang tingin sa akin. Kinakabahan ako. Wala naman akong problema sa mga kapatid at sa kanyang mommy, maliban lang talaga sa daddy niya, ang boss ng lahat.
"Cass, natatakot ako sa daddy mo. Ang sama kasi ng tingin niya."
"Relax babe. Hayaan mo lang siya, wag mo siyang pansinin. Tignan mo nalang sila mommy at Catherine na gustong gusto ka. Okay?" Pag papakalma niya sa akin.
"Okay, sabi mo eh."
Pinag buksan kami ng mga katulong ng pinto. Ang laki ng bahay nila, modern na modern ang dating. Agad naman akong sinalubong ni Catherine at Chelsea, ganoon din ang kanilang mommy."
"Hi, Jaina. I mean, ate Jaina, hehe." Sabay na bati sa akin ng magkapatid.
"Ate ka diyan." Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Linapitan naman ako ng mommy nila at nakipag beso-beso sa akin.
"Long time no see Jai. Narinig ko kasing Jai ang tawag sayo ni Casper, nakikigaya lang hehe."
"Okay lang po, kamusta po?"
"Maayos naman, salamat sa tanung. Anyways, Casper, introduce her to your father."
Bigla naman akong kinabahan nang sinabi ng mommy niya iyon. Hinawakan ni Cass ang balakang ko at isinama ako palapit sa daddy niya. Bumulong siya sa akin.
"It's okay. Don't worry, we're all here." Nakangiti niyang bulong sa akin.
"Dad, I want you to meet my girlfriend, Jaina Segerra. Jai, this is my father, Adam Helmsworth. But he wants us to call him Mr. Helmsworth."
Kinakabahan talaga ako lalo na nung napansin ko na bukod sa pamilya ni Casper ay ako lang ang nandoon. Ang akala ko ay dinner party pero bakit kami lang ang nandito. Nakipag kamay ako sa daddy ni Cass na tinititigan ako ng maigi na para bang may mali sa mukha ko.
"Good evening, Mr. Helmsworth. It is my pleasure meet you."
Nagbigay lamang siya ng isang matipid na ngiti sa akin na para bang nanliliit ako. Inakbayan ako ni Cass at inilayo na sa daddy niya.
"Cass, ang akala ko dinner party?"
"Hmm, sorry ha? Sabi kasi ni mommy wag ko daw sabihin sayo para hindi ka masyado kabahan."
"Ganoon ba? So, ibig sabihin dinner lang to para sa atin?"
"Yes, my dad wants to meet you."
Tama nga siya, kakabahan talaga ako at ngayon kinakabahan na ako lalo. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ako gusto ng daddy niya at natatakot ako sa mga sasabihin nito. Nag punta na kaming lahat sa dining room para mag dinner. Nakaupo ang lahat, Nakaupo sa pinaka gitna si Mr. Helmsworth bilang isang padre de pamilya. Nasa kanan naman nito ang mommy ni Cass, kasunod sila Catherine at Chelsea. Samantalang nasa kaliwa naman kami ni Casper. Tahimik kaming kumakaen habang and daddy ni Cass any nakatingin parin sa akin. Dahil sa nakakabinging katahimikan ay naisipan ding magsalita ng mommy ni Cass.
"Iha, how old are you?"
"I'm twenty three Tita."
"Actually, it's her birth day today." (Catherine)
"Really? Why didn't you tell me. Sana man lang nakapag handa ako ng gift."
"It's okay Tita."
"No it's not. What's the date today?"
"It's the 30th of July." Nakangiting sagot ni Casper.
"Tell me about yourself." Biglang nag salita si Mr. Helmsworth na para bang nag tatanung lang siya sa isang empliyado.
"Ahm, I'm from Zambales."
"Really? Where in Zambales?" Excited na tanung ng mommy nila.
"Segarra po."
"Segarra? That's your surname right?" Nagtatakang tanung ni Catherine.
"Yes, the town is named by their ancestors. They actually own a beach resort there." Masiglang sagot ni Casper. Ngunit napansin ko naman na palihim na nagkatinginan ang mga magulang nila na parang may mali sa lugar na pinanggalingan ko.
"So, you're a heiress. Now tell me us more." Seryosong sabi ni Mr. Helmsworth na nakatitig sa akin.
"I graduated college with a Master of Architecture diploma and now I'm studying at Esthetics University with Catherine."
"So you want to be a hair dresser? Hmmm, interesting." Pangiti niyang sinabi.
"Ahmmm, I have three older brothers but I don't live with them, she's with my mother. While my father died last year."
Isang taon na rin pala akong naninirahan dito sa California. Isang taon mahigit na rin ang lumipas simula ng pag kamatay ng Tatay. Tumingin ako kay Cass na para bang gusto kong sabihin na umuwi na kami. Wala na ako maisagot sa kanila dahil ayokong ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga kapatid at nanay ko. Tila naintindihan naman ito ni Casper at iniba niya ang usapan. Makalipas ang isang oras ay nag paalam na rin kami at umuwi na rin ako kasama ni Casper. Habang nasa sasakyan ay kinausap ko si Cass tungkol sa daddy niya.
"Alam kong ayaw sa akin ng daddy mo. Hindi mo man sabihin sa akin ay ramdam ko."
"Anu ka ba, don't think about it okay? Don't stress yourself, siya lang naman iyon hindi ako." Seryosong sagot ni Casper.
"Hayss, eh di inamin mo rin."
"Ang alin?"
"Wala."
"Jai?"
"What?"
"I love you."
YOU ARE READING
LONGING FOR LOVE
Teen FictionAko si Jaina Segarra ng Zambales. Maganda, mistisa, minsan me pagka pilya. Mabait naman ako, sa mabait sa akin. Sa pagkakaalam ko Pilipina akong tunay, lumaki ako na may dinadamdam na sakit, hindi pisikal kundi emosyonal. Hind ko alam kung bakit per...
