"Minsan nga lang kita ayain para gumala tatangihan mo pa ko" - Mingyu

"Tinatamad akong lumabas" - Wonwoo

"Napaka-sloth mo talaga" naghalungkat si Mingyu sa mga gamit ni Wonwoo, hinahanap yung medicine box "bibili lang ako saglit ng gamot mo kasi baka bigla ka na namang sumpongin ng sakit mo. Pag balik ko dapat bihis ka na ah" pagkakuha ni Mingyu ng wallet at cellphone niya lumabas na siya agad ng kwarto.

Bumuntong hininga si Wonwoo "mukhang no choice ako" tumayo na siya at kumuha ng damit sa closet niya. Natanggal na niya ang damit niyang pang-itaas ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto

"Woo peram daw ng libro si Ming-"

"HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK?!" Pagputol si Wonwoo sa sinasabi ni Junhui

"Lah arte naman nito, nahiya ka pa eh nakita ko naman na yang katawan mo pagnakakasabay kitang maligo" - Junhui

"Hindi yon ang ibig kong sabihin. Ang sakin lang kumatok ka pa rin" - Wonwoo

"Oo na. So yung libro" - Junhui

"Kumuha ka na lang dyan" sabi ni Wonwoo at pinagpatuloy na ang pagbibihis

Pagkakuha ng libro tinignan muna ni Junhui si Wonwoo mula ulo hanggang paa "kala mo naman kung sinong maganda katawan. Mas maganda pa katawan ko sayo oy" bulong nito at tuluyan ng lumabas


Pa-uwi na sana si Mingyu nang makasalubong siya ni Jungkook "Mingyu! Ano tara na?"

"Ha? Teka bakit anong meron?"

"Niyaya kitang mag-sine kanina diba? Nakalimutan mo?" - Jungkook

"Hindi naman ako pumayag" - Mingyu

"Ang KJ mo. Tara na! Di naman tayo magtatagal" Sinimulan na siyang hilahin ni Jungkook

"Oo na oo na sasama na" sabi ni Mingyu at binulsa yung binili niyang gamot.



Sa sobrang inip ni Wonwoo kakaintay kay Mingyu nakipag-laro na lang muna siya ng video games kay Seungcheol para pampalipas oras "bat ganyan suot mo? May lakad ka ba?" Tanong ni Seungcheol

"May lakad kami ni Min-"

"Teka saglit lang mukhang may tumatawag sakin" pagputol ni Seungcheol sa sasabihin sana ni Wonwoo at dinukot ang cellphone sa bulsa niya "hello?"

[Seungcheol hyung baka gabihin ako ng uwi. Kasama ko sila Jungkook, Bambam at Yogyeom nasa karaoke bar kami ngayon] - Mingyu

"Ganun ba, okay sige mag ingat ka na lang pag uwi mamaya" - Seungcheol

[Salamat hyung] - Mingyu

"Sino yun?" Tanong ni Wonwoo pagka-baba ni Seungcheol ng tawag

"Si Mingyu, nag paalam sakin kasama raw niya sila Jungkook gagabihin daw siya ng uwi. Ano na nga yung pinaguusapan natin kanina? Ah! Ayun nga may lakad ka ba? " - Seungcheol

Nagpantig ang tenga ni Wonwoo nang marinig na si Jungkook na pala ang kasama ni Mingyu "bwisit na yun niyaya pa kong lumabas may kasama naman na pala"

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now