Chapter 3

31 7 0
                                    


Happy Valentines Day Everyone!

Whether You Like It Or Not

Akiera Laurene's Pov:


Library ang tinungo ko matapos ng pag-uusap namin ni Zach tulad ng nasa plano ko talaga. Dito nalang muna ako magpapalipas ng oras total isang oras pa bago magsisimula ang first class ko.

Papalapit palang ako sa pintuan ng library nang may lalaking lumabas mula dito. Agad na tumama ang mga mata niyang chinito sa akin.

Gilbert Sandoval. Ang lalaki na kung saan attracted ang bestfriend kong si Reese.

Humakbang ako papalapit sa pintuan ng library at halos malapit nalang kumunot ang aking noo sa pagtataka kung bakit hindi pa siya umaalis dahil papasok din ako nang magsalita siya ng hindi ko inaasahan.

"H-Hi." he awkwardly said na nagpataka sa akin.

Anong nakain ng lalaking ito at pinansin ako? Where not even close!

"Hey." nasabi ko nalang at parang wala lang sa aking pinaalis siya. "Konting space. Dadaan ako." may pagkumpas pa ang kamay ko nang hindi siya tinitignan.

"Oh! I'm sorry." tila nagugulat niyang sabi sa akin. Parang lutang lang. Tango lang ang isinagot ko dito't pumasok na sa loob.

Agad sumalubong sa akin ang mga matang mapanuri ng mga estudyanteng nagbabasa. Pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa paboritong pwesto ko sa unahan. Yes. 'Unahan' dahil kapag sa likuran ako pumwesto, hindi ako makakapagbasa ng maayos dahil sa mga iilang couple na naghahagikhikan at naglalampungan. Mga isang grupo ng mga estudyanteng nagbubulongbulongan na tila hindi alintana na may iilang nagbabasa.

Naupo na ako't babasahin ko na sana ang librong dala dala ko nang may malala ako bigla.

Nasaan na kaya ngayon sina Zach at Melissa?

Gusto kong tampalin ang sarili ko nang tanongin ko pa talaga ang aking sarili mismo. Ako siguro mismo ang papatay sa aking sarili.

Zach.. Zach.. Zach.. Why I have a crush on you? Why?

Napabuntong hininga nalang ako sa aking sarili't binasa ang librong hawak hawak ko na. Pero nakakailang salita palang ako ay pakiramdam ko, hindi manlang pumapasok sa aking isipan. Ilang beses akong nagconcentrate pero mukha ni Zach at Melissa ang naiimagine kong kumakain sa isang restaurant habang masayang nag-uusap.

Aah! Nakakainis! Bakit ba pilit na pumapasok sa isipan ko ang dalawang yun?! Ano bang pake ko?!

Lumabas ako ng library na nakabusangot ang mukha. Sakto namang nagbell na't hudyay na may klase na ako. Wow ah? Ang bilis ng oras. Gaano ba katagal ang pagiisip ko tungkol sa dalawang yun?

Dali dali akong umakyat sa second floor kung saan ang classroom namin ni Reese. Speaking of Reese, nasa classroom na kaya siya? Naalala kong iniwan ko pala siya kanina sa field.

Pagkapasok ko sa classroom ay nakita ko kaagad si Reese na nakaupo na sa upuan niyang katabi ko. Ngumiti ito sa akin matapos akong makita. Ngumiti din ako dito ng tipid na ngiti at pabagsak na umupo sa aking upuan sa likurang bahagi.

Wishing Through The StarsWhere stories live. Discover now