Chapter 1

69 6 0
                                    

   

The Worst Meet
                 
             
Akiera Laurene's POV:

"Ilang books kaya?" kunot noo kong tinignan ang thousands of books dito sa National Book Store sa mall.

10 siguro? 2 romance, 2 action, 2 teen fiction, 2 vampire, 2 fantasy, 2 mystery.

"Ayan!" nakangiti kong tinignan ang lahat ng mga kinuha ko.

Excited nako!

Nagmamadali kong kinuha ang 2 thousand pesos na nasa wallet ko. Tumungo naman ako sa counter para magbayad ng mga librong aking napili. May tatlong taong nagbabayad at pang-apat ako kung sakali.

Sampung hakbang nalang.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sam---

"Excuse me miss. Ako ang nauna." biglang singit ng lalaki sa unahan ko.

Muntik na akong mapasigaw dahil konting konti nalang talaga't nabangga na niya ako't nahulog 'tong sampung librong dala ko.

"Edi ikaw na." umirap ako sa likuran niya.

Ang tangkad!

Nakakainis lang dahil isang hakbang nalang talaga't ako na ang pipila. Pero umepal pa kasi ang lalaking to eh!

"Thank you! Ang bait mo naman miss." narinig kong sambit niya.

Napairap ako sa kawalan. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil kanina pa siya nakatalikod at kung kausapin ako'y hindi manlang humaharap.

Sinilip ko ang mga pinambili niyang kapareho ko ding dala dala niya.

LIBRO!

Nagbabasa din siya ng mga libro! Katulad ko!

"Hindi ako mabait no!" asik ko.

Totoo naman! Hindi talaga ako mabait klaseng tao. Sa katunayan nga, napakasarcastic at masungit ako eh.

"Ok sabi mo eh."

Napataas lang ako ng kilay sa kanyang sinabi.

Wow ah? Hindi nakipagtalo!

Napatingin ako sa unahan at nakitang ang lalaki na ang susunod.

Hmp! Dapat ako na ang susunod eh!

Nakaramdam ako ng inis kaya nagsimula akong bumulong bulong sa likuran niya.

"Dapat ako na eh! Umepal epal pa kasi! Napakaungentleman na lalaki! Nakakainis ka! Kala mo kung sino kang gwapo! Napakatangkad mo pa naman! Nagmumukha akong tungkod dito eh! Kung hindi kalang sana sumingit, ako na ang---"

"Tapos kana? Ikaw na ang susunod. Oo nga pala, ang bait bait mo sobra. Sa sobrang kabaitan mo, nilait mo pa ako." sabi ng lalaki't tumalikod at lumakad palabas ng NBS.

OH MY GOSH! Hindi to totoo! Sabihin niyong nananaginip lang ako ngayon! THIS IS NOT HAPPENING!

Wishing Through The StarsWhere stories live. Discover now