2 : Possessor's Trifle

Magsimula sa umpisa
                                    

"Casey... okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Okay na ako. S-salamat Arah," nanginginig niyang sabi habang nakayuko. Natawa ako sa huli niyang sinabi.

"Bakit ka nagpapasalamat? At ano kamo, okay ka na? Pwes, ayokong maging okay ka." Pagkasabi kong iyon ay tumayo ako at kinuha ang isang juice mula sa pinakamalapit na table at tinapon iyon sa kanya. Ngayon, basang basa na talaga siya ng juice.

"Sa susunod kasi, bawas bawasan mo yang katangahan mo para ako lang ang kumakawawa sayo." Unti unti kong narinig ang kanyang paghikbi at kasunod naman iyon ng tawanan ng mga estudyanteng nakikinood. "Casey, alam mo namang ayokong may ibang bumubully sayo diba? Ayoko ng may kahati sa laruan ko."

Sandali ko siyang tinapunan ng masamang tingin bago umalis. Kahit kailan talaga, ang taas ng presyon ng dugo ko kay Casey. Hindi naman ako galit sa kanya, sadyang nakakairita lang na may kaklase akong katulad niya. 

Casey's POV

Binuksan ko ang gripo at naghilamos doon. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at lagi akong may dalang extra uniform. Nasanay na kasi akong dumihan nila ang damit ko. Napabuntong hininga ako. Kailan ba nila ako titigilan? Ayoko na. Pagod na ako. 

Gusto ko na lang takasan lahat ng problema ko. Gusto ko ng lumipat ng ibang school ngunit hindi maari. Scholar lang ako at kapag umalis pa ako, tiyak na hindi na ako makakapag-aral. Hindi kaya ni nanay tustusan ang pag-aaral ko, ang kuya ko pa napakairesponsable. Wala na nga si tatay, nagpapakabasagulero pa siya sa buhay. Imbes na magtrabaho, panay barkada ang inaatupag.

Inayos ko na lang ang sarili at lumabas na ng banyo, baka kasi malate pa ako sa next subject. Sa paglalakad ay nakasabay ko si Pierce na agad naman akong inakbayan.

"Hi Casey," bulong niya sa tenga ko at pagkatapos ay kinindatan ako. Hindi naman ako kinikilig kahit na may hitsura si Pierce. Kilala na kasi siya bilang cassanova ng campus. Lahat na yata ng babae, binalak niyang landiin at isa na ako doon. Kaso kahit anong pagpapapansin niya ay walang epekto sa akin dahil may iba akong gusto.

"Hindi mo na naman ba ako papansinin?" nakanguso niyang tanong. Bahagyang napairap lang ako at pwersahang inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

Nang matanaw namin si Arah ay agad niya akong iniwanan at si Arah naman ang nilapitan niya. Napailing na lang ako sa kanalandian niya.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" Napabalikwas ako ng may nagsalita mula sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Mr. Lee na walang kaemo-emosyong nakatangin sa akin.

"Hi Sir," bati ko sa kanya. Pakiramdam ko ang pula pula na ng pisngi ko.

Tumango lang siya. "Pumasok ka na. Mag-uumpisa na ang klase ko," seryoso niyang sabi bago lumakad papunta sa classroom namin. Siya kasi ang na teacher namin sa Physics.

Sinundan ko na lang si Sir habang pinagmamasdan ang kanyang likod. Kahit wala siyang ginagawa, napapakilig niya pa rin ako. Haaay.

Huminto kami sa tapat ng pintuan dahil hinaharangan iyon nina Arah at Pierce.

"Gago ka talaga Pierce, tigilan mo nga ako! Humanap ka ng mapaglalabasan ng kalibugan mo, wag ako."

"Ang hard mo naman. Ilang taon na kitang nililigawan, ganyan pa rin ang tingin mo sa akin."

"Ehem."

"Oh, hi Sir!" Bati ni Pierce kay Sir Lee. Wala talagang galang, tss. Saglit na tinitigan ni Sir ang dalawa bago nagsalita.

"Maglalandian na lang ba kayo sa oras ng klase ko? Ikaw Pierce, pumasok ka na nga sa classroom niyo at ikaw naman Arah, pumasok ka na rin sa loob," utos ni Sir.

Napakamot ng ulo si Pierce at walang pasabing pumasok nga si Arah sa loob.

Muli akong napabuntong hininga ng maalala ang ginawa niya sa akin kanina sa cafe. Pare-parehas lang silang lahat. Iisa lang naman ang gusto nilang gawin sa akin... ang saktan ako. Ang sabi ni Arah, mahina kasi ako kaya nangyayari lahat ng ito sa akin.

Kapag ba naging kagaya nila ako... walang ng makakapanakit sa akin?

Kapag ba naging kagaya nila ako... magbabago na ang turing nila sa akin?

The IncognitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon