TROTIP +8 : meet the council

27.6K 605 36
                                          

KEAN’s POV

 

“K-KUYA?” gulat na gulat naming tanong

“sarah, ikaw na muna ang bahala dito”

“opo” ate sarah

“kuya” humahagulgol na si ate key, ngayon uwaah! Pati ako naluluha.

“it’s okay princess, shhh, the four of you, go back immediately to the academy, dumiretso kayo sa council room, hinihintay na kayo ng council, susunod na lang kami ni princess”

Kahit naguguluhan, sabay sabay kaming nagbow

“opo chairman wander”

Tama kayo ng basa, si chairman wander nga yung tinawag nyang kuya, nakapagtataka, possible kayang kapatid nya si ate key? Pero sa pagkakaalam ko wala na siyang kamag anak. Tanging sila lang ni lady Quinn na asawa nya lang ang nakikita kong magkasama. Impossible talaga.

Sumakay na kami sa aming mga broomsticks at tumuloy sa academy.

Habang naglalakad papuntang council room ay tahimik kaming apat, walang nagsasalita, pero hindi ko talaga naiwasang tanungin si ate kyle

“ate kyle”

“hmm?”

“ang tahimik mo ata?”

“ha? wala, iniisip ko lang si key, ngayon ko lang kasi siya nakitang umiyak sa anim na taon naming pagsasama, kaya hindi ako maka get over” sabi nya na naluluha din. Bakit kaya?

“ate kyle, may tinatago ba kayo ni ate key?”

“h-ha?”

“so may tinatago kayo?”

“alam mo kean, gusto ko mang sabihin sayo, mahirap ipaliwanag, tanging si key lang ang makakapagsabi, wala ako sa posisyon, kahit ako nga nagugulat sa mga nangyayari, hindi kasi open si key sakin”

“ah, naiintindihan ko, sorry”

Nagpatuloy lang kami sa paglakad, ang layo nga eh, ang council room kasi ay nasa underground ng phantazein academy. Kaya hindi basta basta nakakapasok dito. Kaya lakad to the max kami, tiningnan ko si kuya, mukhang malalim ang iniisip nya ah?

“kuya”

“oh?”

“pwede magtanong?”

“siguraduhin mong kapakipakinabang yang tatanungin mo”

“opo, sungit

“ano?”

“wala!”

“ano tatanong mo?”

“kuya, possible bang kapatid ni chairman wander si ate key?”

“ha? Bakit mo naman naitanong?”

wala lang, hindi ka ba nagtataka? Ang pamilya lang ni chairman wander ang hindi pa natin nakikita, yung sa mga main headmasters at class S nakita na natin sa mga salo salo, maging ang council napakamisteryoso. Possible kaya na may tinatago sila?”

“hmm, hindi ko alam, pero sa pagkakaalam ko lang, ang pamilya ni chairman wander ay bawal usisain at pag usapan, hindi ko alam kung bakit”

[ON HOLD] The Return of the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon