"Hiling"
Walang ibang hinihiling
Kundi ika'y makapiling
Kapag ika'y kasama, o kay sarap sa feeling
Lahat ng oras sayo lang nakabaling
Tanging hiling, sana ay dinggin
Araw-araw ito lang ang panalangin
Ikaw sana'y wag mawala saking paningin
Mapunta ka sa iba'y di ko kayang tanggapin
Kay saya mo lang pag masdan kapag kinikilig
Ako'y labis na nahuhumaling sa iyong tinig
Kaya nais ko sana'y iyong marinig
Ang sulyapan kay aking naging hilig
Aking hiling sana'y mapakinggan
Na tayo na lang ang mag mahalan
Pangako ika'y di sasaktan
At kailanman di ka bibitawan
