Karma...
Nanakit ng maraming damdamin
Nang-iwan ng walang pasabi
Nagpaluha ng pusong nasusugatan
Nakipaglaro sa kung sino-sino
Nang puso ko'y tinamaan at umibig
Lahat ay nagbago para sa iniirog
Ibinigay lahat lahat at walang itinira sa sarili
Ngunit bakit sa huli'y bigo ako't iniwang wasak
Ito nga ba ang tinatawag nilang 'Karma'?
Sa kabila ng pagiging totoo'y sa huli'y iiwan ka?
Dahil lamang sa ika'y naging makasalanan?
Di nga ba pwdeng magbago ang tao para sa pag-ibig?
-RJF-