Saklap

41 2 2
                                        

Ang buhay ko'y walang kasing saklap

Paghihirap ko'y di mo pansin

Lungkot ko'y wala kang paki

Saan nga ba ako lulugar sa mundong ito

Lahat ng pagkakamali'y sakin ibinunton

Sama ng pag-uugali ako ang tinutukoy

Pagkat ugali ko'y di mo mabatid

Ganun nga ba ako kawalang halaga?

Buhay ko'y walang patutunguhan

Pagkat saki'y walang bilib

Pagsisikap ko'x walang nakakapuna

Sa talento'y ako'y walang-wala na

Ganda't talino ako'y gaping-gapi

Sapagka't pagkatao ko'y walang kasing itim

Pagmamahal saki'y kapos

Di magawang bigyang pansin pagkataong meron ako

Ako'y walang binatbat di tulad nila

Umaapaw sa galing at talino

Pati sa ganda'y waging-wagi

Samantalang kaluluwa ko'y sa impyerno nasusunog

Ilang beses nang sinubok sa kanila'y magpapansin

Ngunit galing ko'y kapos sa talento

Sapagkat pagkatao ko'y masahol pa sa hayop

Kaya't sila mismo'y ayaw sakin

Buhay ko simula't sapul ay malaking pagkakamali

Pagkakamaling ako'y sa mundo'y nabuhay

Pagkat ako'y walang magandang naidulot

Ako'y isang malaking salot sa mundong ating ginagalawan

Tula Kong PangetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin