Dumating ka sa buhay ko ng di inaasahan,
Minahal kita ng walang pag aalinlangan.
Ngunit bakit puso'y sinugatan,
Ako ba'y iyong pinaglalaruan?
Anong nagawang pagkakamali?
Ba't ako'y iyong isinantabi
Lahat ng makakaya'y ginawa
upang maiparamdam sayo
aking pagsinta;
Ngunit bakit ako'y binalewala.
Pagmamahal ko sayo'y walang kapantay
Ngunit sakit na iyong pinalasap
ay walang kapantay.
