Tumingin ako sa labas nang aming cafe at marami pang mga estudyante ang nakapila. Nakita ko sina Darlene na nag-a-announce din yata na bumalik na lamang sila bukas dahil ubos na ang aming paninda.

Sari't saring mga komento at reklamo naman ang narinig namin mula sa aming ga customers. Syempre, ikaw ba naman sana. Nakakapagod kayang pumila at maghintay para lang makapasok dito sa cafe namin, tapos pagpasok mo ay bigla ka ba namang sasabihan na magsasara na ang cafe. Oh diba, nasayang na nga ang oras mo kakahintay ay napagod ka pa sa kakapila.

Ngunit kahit na nakokonsensya kami ay wala na rin naman kaming ibang magagawa kundi ang humingi ng tawad. Pero sigurado naman ako na hindi susuko itong mga fan girls ni Jin Ren ko, tiyak na babalik pa rin yan sila bukas.

Matapos ang anunsyo ni Aisha ay dahan-dahan nang nagsialisan ang mga customers namin. Yung iba ay malungkot at  nakasimagot na umalis, pero may iilan din namang masayang umalis, marahil ay iniisip nila na may chance pa namin sila bukas upang makita si Jin Ren ko.

Nang umalis na ang lahat ng mga customers namin ay agad naman kaming tinawag ni Aisha.  

"Good job everyone. Another success na naman ito para sa cafe namin. Thank you for all of your efforts. Huwag kayong mag-alala. After ng school fest, lahat ng perang nalikom natin ay gagamitin natin para sa class outing!" ani niya.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil dun sa huling sinabi ni Aisha. Syempre, sino ba naman ang hindi excited sa isang class outing?

"Okay guys, maglinis na muna tayo at pagkatapos ay dismiss na kayo! Maraming salamat!" sabi pa niya ulit at pagkatapos nun ay nagsimula na kami sa paglilinis. 

"Ah Yuri." tawag pa sa akin ni Aisha.

"Yes?" balik na tanong ko pa.

"Hayaan mo na yang trabaho mo. Kami nang bahala rito. Bakit hindi mo na lang yayain si Ren na maglibot-libot muna sa school." sabi pa niya sabay kuha nung walis na hawak-hawak ko.

"Oo nga bestfriend! Kami nang bahala rito. Yakang-yaka namin to. Tsaka, mukhang badtrip nga yun kahapon kasi bigla kang umalis nang hindi nagpapaalam." sabi naman ni Heina.

"Kaya bilang pambawi, ay yayain mo na yun. Marami mga magagandang booth na inihanda yung taga ibang klase. Chance niyo na to para mag-lovey dovey."dagdag pa niya.

Ay patay! Oo nga pala! Supposedly ay magkikita nga pala kami sana kahapon after magsara ng cafe namin. Pero dahil sa may kailangan akong gawin kahapon ay nauna na akong umalis nang cafe nang hindi man lang nakapagpaalam.

"Ahmm.. talaga bang ayos lang sa inyo?" tanong ko pa. Baka mamaya niyan may hard feelings pala silang nararamdaman eh.

"Oo. Ayos lang. No hard feelings." sabi pa nang iba ko pang mga kaklase.

"Sige na. Dali! Puntahan mo na ang palalabs mo. Andun siya sa likod ng building."excited na sabi ni Darlene.

"Make sure na papasok kayo sa Horror House na inihanda ng Class III-C ah. Alam mo na, chance mo na yun para makipag-holding hands sa kanya. Kyaaaaah!" Kinikilig na paalala ni  Daphney.

"Tsaka umarte ka na parang takot para magka-moment kayo. O sige na. Layas na't puntahan mo na ang iyong Prince charming." dagdag pa niya sabay tinulak ako palabas ng room.

Pagdating ko sa may likod ng building, naabutan ko si Jin Ren ko na nakahiga sa may damuhan habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.

Natutulog ba siya? Siguro masyado siyang napagod sa pagse-serve ng napakaraming customers kanina.

Dahan-dahan akong lumapit at saka umupo sa tabi niya.

Tulog ba to o nagkukunwari lang?

Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang mukha at saka iniwagayway ang aking kamay sa harap nang kanyang mukha para ma-confirm ko kung natutulog nga ba siya.

Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay 'ko sabay hinila ako papalapit sa kanya.

"Annoying". bulong pa niya na siyang ikinatindig nang mga balahibo ko dahil naramdaman ko ang kanyang paghinga.

"Y-yo! Jin Ren ko! Gising ka na pala. Gusto mong maglibot-libot muna tayo?"pangingibang topic ko pa sabay layo sa kanya.

"Ayoko."mabilis na sagot niya na siyang ikinayuko ko.

O.U.C.H! Ni-reject ako agad.

"Ayoko."ulit pa niya.

"Pag sinabi kong ayoko, sisimangot ka na naman."sabi pa niya sabay tayo. 

Napatingin ako dun sa sinabi niya. 

Ehhhh?

"Tara?"yaya pa niya sabay alok ng kanyang kanang kamay.

Ngumiti lang ako sabay kuha ng kanyang kamay.

----------------------------

To be continued....

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon