CHAPTER XV - Real Date

6.2K 97 15
                                    

CHAPTER XV

 **REN’s POV**

Happiness.

 The thing that I’ve lost when I decided to locked myself in a solitary world.  All I thought when that very important girl whom I loved so much, the girl who became the reason why I live in this world, left me, I would never feel happiness again.

 But I was wrong. I never imagined that I can feel happiness again.

And much to my expectation, the person who can bring back happiness in me was the person whom I treated so coldly and snob.  

 Nakakatuwang isipin na ang taong pinakaiinisan ko sa lahat ang siyang  makapagpapasaya sakin ngayon, sa araw ng aking pagmo-move on.

 Nag-guilty tuloy ako dun sa pagtrato ko sa kanya dati. Wala akong ibang ginawa kundi ang sigawan, i-snob, sungitan, at pahiyain siya.

 Hindi man lang sumagi sa isip ko na ganito pala siya kasayang kasama. She’s really funny and entertaining, honestly.

 Nakatatlong rides na kami. Grabe nakakalula huh. Hindi na nakayanan ng powers ko.  Kaya naman pagkatapos ng pangatlong rides namin eh sumuko na ako. Siguro epekto to ng ilang taong di ko pagpunta rito.

 Binigyan pa talaga kami ng picture dun sa isang ride na sinakyan namin. Anong itsura namin dun sa picture? Ang panget-panget!>___<

Bukas na bukas ang mga bibig namin habang nakapikit pa kami. Siguro pinicturan to nung sumisigaw kami. Loko talaga!

 Ayoko na sana kunin yun, pero ewan ko ba kung anong pmasok sa babaeng yun at kumuha siya ng dalawang copies tapos binigay niya sakin. Kaya kinuha ko na lang kahit na ang panget-panget ng itsura namin dun.

“Sakay pa tayo...” pagpupumilit netong si Yuri.

Naku, ang kulit-kulit talaga niya. Kaya minsan, este lagi pala, naiinis ako sa kanya dahil sa kakulitan niya.

Pero set aside na muna yung bad Jin Ren, kasi nga magbabago na ako. ><

Kung tutuusin isip bata talaga siya oh at nag-puppy eyes pa huh.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon