Chapter 16

10.2K 238 13
                                    

"H-hindi ko alam.." sagot ni Carla kay Yssa. Yun naman kasi ang totoo. Hindi naman nya alam kung buntis ba sya o ano. Hindi naman nya napapansin ang nagiging pagbabago sa katawan nya.

"Meron akong extrang pregnancy test kit dito. Subukan mo lang para malaman mo.." kinalkal ni Yssa ang bag nya at kinuha ang pregnancy kit. Inabot nya ito kay Carla. Nag aalangan naman sya kung kukunin ba nya ito o hindi. Pero sa huli, kinuha nya parin ito.

Lumabas muna sa banyo si Yssa para hayaan ang kaibigan na alamin kung buntis nga ba sya o hindi. Habang si Carla naman, tulala parin sa loob ng banyo. Nakatingin lang sya sa naging resulta ng pregnancy kit.

Positive. Dalawang linya ang lumitaw.

Napaluha nalang sya ng dahil sa nalaman nya. Hindi nya alam kung ano ang gagawin. Ang daming takot na nabubuo sa utak at puso nya. Nagdadalawang isip sya kung ipapaalam ba nya ito kay Jim o itatago nalang muna.

Kinalma nya ang sarili. Pinunasan nya ang mga luha sa mata pagkatapos ay lumabas. Ayaw nya kasing magmukhang kawawa sa harapan ng mga kaibigan nya. At sa totoo lang, pagod na din talaga syang umiyak.

"Anong resulta?" bungad agad ni Yssa sakanya. Kasama na nya ngayon si Kyle na mukhang nag aalala din. Marahil sinabi na ni Yssa na baka buntis si Carla.

"Buntis ako.." yun lang ang tanging nailabas ng bibig nya. Halos mahirapan na nga din syang sabihin yun sa harapan ng mga kaibigan nya.

Dapat nga, masaya sya ngayon dahil buntis sya. Pero bakit hindi nya maramdaman yun ngayon? Mas lalo syang nalulungkot dahil wala si Jim sa tabi nya. Dapat sya ang unang nakaalam ng kalagayan nya. Ngunit wala naman sya sa tabi ni Carla ngayon.

Kahit anong pigil nya ay napahagulgol parin sya. Niyakap sya ni Yssa. "Tahan na. Makakasama sa bata ang pag iyak mo." pag aalo ng kaibigan nya. Ngunit parang bingi naman ang mga luha nya. Patuloy lang kasi ang mga ito sa pag agos. Kahit anong punas ay tumutulo parin ang mga ito.

"Pupuntahan natin si Jim.." sabi naman bigla ni Kyle. Natigilan si Carla.

"No!" pigil nya. Humiwalay sya sa pag kakayakap kay Yssa at muling pinunasan ang mga luha nya.

"Kailangan nyang malaman ang kalagayan mo. Hindi mo pwedeng sarilinin lang to, Carla.." pagbibigay diin ni Kyle. Hindi sya nakasagot. Nag iwas lang sya ng tingin.

Wala na syang nagawa pa. Mapilit ang mag asawa. Pumunta sila ngayon sa condo ni Jim. Pero bago sila pumunta dun ay idinaan muna nila ang mga anak nila Kyle sa mga magulang ni Yssa.

Hinang hina na si Carla. Pagod na sya sa kakaisip kung ano nga ba ang magiging reaksyon ni Jim pag nalaman nyang buntis sya.

"Calm dowm, okay? Magiging maayos din kayo.." pagpapalakas ni Yssa sa loob ni Carla. Ngumiti lang ito ng tipid. Hinihiling nya na sana nga ay maging matatag sya.

Kinatok na ni Kyle ang pintuan ni Jim. Napaiwas naman ng tingin si Carla nang mabuksan na ang pintuan. Babae kasi ang bumungad sakanila. Suot nito ang polo ni Jim. Halatang wala itong suot na panloob.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon