Chapter 15

10.2K 219 10
                                    

"Ha? Nakipaghiwalay ka sakanya?!" gulat na tanong ni Vince. 

"Oo.. Ayaw ko na.." ininom ko ulit ang baso ng alak na hawak ko. Bakit ba hindi ako malasing? Kanina pa ako inom ng inom dito pero hindi naman tumatalab tong alak.

"Bakit ka nakipaghiwalay sakanya? Diba mahal na mahal mo sya?"

Natawa ako ng mapakla sa sinabi nya. "Mahal? Tsk! Fck that love!" umiling iling ako. Naninikip ang nanaman ang dibdib ko pag naalala kong ang mga nakita ko noong nakaraang linggo. Kahit na sa panaginip ay sinusundan ako nito.

"Sige.. Di ko na itatanong kung ano ba ang nangyari.." sinamahan nalang ako ni Vince. Hindi naman sya umiinom. Ang sabi kasi nya ayaw daw ng girlfriend nya na uminom sya ng marami. Natawa nalang ako sa sinabi nya. Ganyan din ang ginagawa ko nun, pero anong nanyari ngayon?

Tsk!

May nakita akong babae at hinila sya sa tabi ko. "Hey.." tawag ko sakanya. Hinapit  ko ang bewang nya at pinaupo sa kandungan ko.

Nagulat naman si Vince sa ginawa ko pero binalewala ko nga ang reaksyon nya. "Oh.. Hi handsome!" seductive na sabi nya sabay haplos sa pisngi ko. Hindi na ako nasalita. Hinawakan ko ang mukha nya at hinalikan sya ng marahas. Akala ko nga magpupumiglas sya, pero sinagot naman nya ang mga halik na ibinibigay ko sakanya.

Hindi ko na din alam kung paano kami nakarating ngayon sa kotse ko habang naghahalikan. Di ko na nga alam kung nasaan si Vince eh. Di bale, sa condo nalang nya kami pupunta ng babaeng to.

Huminto muna ako sa paghalik sakanya para magdrive. Panay ang hawak nya sa hita ko. "Wag masyadong excited.." sabi ko sakanya.

Tumawa naman sya at nag ayos ng upo. Binilisan ko na ang pagmamaneho ko hanggang sa makadating na kami sa condo ni Vince. Dali dali kaming pumunta dun. Meron akong susi ng condo ni Vince. Kaming lahat binigyan nya. Ewan ko sa lalaking yun kung anong trip nya. 

Pero okay lang. Mukhang magagamit ko na 'to ngayon..

3rd Person

"Carla, anak.. Matulog ka na." tawag ng Mama ni Carla sakanya.

"Mamaya na po." tipid na sagot lang ni Carla. Hindi sya makatulog dahil isang linggo ng hindi sinasagot ni Jim ang mga tawag nya. Sa twing pupuntahan naman to sa condo nya ay wala naman ito. Nahihiya naman syang pumunta sa bahay nila Jim.

Hanggang ngayon din ay hindi pa nya nakaausap ang Kuya ni Jim. Alam nya sa sarili nya na wala naman talagang nangyari sakanilang dalawa. Hindi nya magagawang lokohin si Jim. Ang pagkakamali lang naman nya ay hindi nya nasabi kay Jim na nandun sya sa condo ng Kuya nya.

Ilang beses nyang tinawagan si Jim pero hindi nya ito macontact. Masyado ng malakas ang ulan nang gabing yun. Kaya naisipan nyang si Greg nalang ang tawagan nya. Ayaw na sana nyang gawin yun, kaso nanlalamig na ang pakiramdam nya.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon