Chapter 10

11.1K 232 9
                                    

Carla

Kakagaling lang namin sa kasal ni Kyle at Yssa. Buti pa ang dalawang yun, okay na lahat. Nalampasan na nila ang mga pagsubok sa buhay nila. Masaya ako para sakanila. Pareho silang importatnte sa buhay ko eh.

Tumuloy muna kami kina Jim. Sa totoo lang, naging tambay na ako ng bahay nila. Ewan ko ba kay Jim. Pero minsan naman, saamin sya nakatambay. Kilala na din sya saamin. Botong boto nga ang mga magulang ko sakanya eh. Pati na din yung kuya ko.

"Wala sina Tita?" tanong ko habang paakyat kami ng kwarto nya. Umiling lang sya. Siguro nasa school nanaman sila.

Pinipilit ko nga si Jim na sya nalang mag manage sa school nila. Kaso ayaaw naman nya. Mas gusto nya daw yung wala syang ginagawa.

Naku! Sakanilang magkakaibigan ata, sya lang yung palaging available dahil walang ginagawa.

Pagpasok namin ng room nya, agad na akong umupo sa kama nya. Feel at home na eh. Si Jim naman, nagpalit na ng damit. Gusto ko din magsuot ng pambahay. Hindi kasi ako komportable sa suot kong dress eh. Kung bakit ba kasi nakalimutan kong magdala ng extrang damit eh.

"Jim.." tawag ko sakanya paglabas nya ng bathroom.

"Bakit?" lumapit sya saakin at tinabihan ako.

"Pahiram naman ng t-shirt tsaka boxershorts mo.. Hindi ako komportable sa suot ko eh.." sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya at tumayo ulit para ipagkuha ako ng damit.

"Here.." abot nya ng makabalik na sya. Kinuha ko naman yun. Humiga na sya sa kama. Pagod na siguro yun. Ako maman ay pumunta ng bathroom para magpalit.

Ang laki laki ng damit nya. Pati yung boxershorts nya ang luwang saakin. Pero di bale na, mas okay naman to. Mas komportable ako.

Paglabas ko, nakahiga parin si Jim. Talagang pagod nga sya. Lumapit nalang ako sakanya at tinabihan sya. Banayad na ang paghinga nya. Malalim na ang tulog nya.

Napangiti ako ng mapagmasdan ko ng maigi ang mukha nya. Napakaamo kasi eh. Parang hindi marunong magalit. Tapos ang seryoso nya kung matulog. Medyo nakakunot pa ang noo nya. Ano kaya ang panaginip nya ngayon?

Hinalikan ko nalang sya sa pisngi at umunan ako sa braso nya. Mukhang hindi naman sya magigising eh. Matutulog nalang din ako.

Wala pa man halos sampung minuto na nakapikit ang mga mata ko ay naramdaman ko na ang mahigpit na yakap ni Jim. Minulat ko ang mga mata ko. Nakatingin sya saakin. Ang lalim ng titig nya.

"Akala ko tulog ka.." nilingon ko sya saglit pagkatapos ay umunan ulit ako sa braso nya.

"Hindi. Pinikit ko lang ang mga mata ko. Pinagmamasdam mo kasi ako kanina kaya hindi ko binuksan eh. Hinayaan na muna kitang pagpantasyahan ako.." biro nya. Parang namula naman ako sa sinabi nya.

So, hindi pala sya natutulog kanina pa? Nakakahiya naman. Tsk. Akala ko kasi tulog na eh. Napakabanayad kaya ng paghinga nya.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon