Chapter 35

306 11 0
                                    

Zaia's POV



Nagkahiwalay hiwalay kaming apat dahil sa pagsalubong ng hunters kanina. Hindi ko na alam kung saan ako napdpad. Sunod sunod na pagsabog ang narinig ko. Gusto ko mang sumugod pero hindi ko magawa. This is more than I expected. Kabilang pagsabok ang naririnig ko. Mga putok ng baril, sigawan, iyakan, at mga takbo ng mga kabayo kung saan saan.



Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Hingal na hingal na ako. Sa katangahan ko pa, nahulog pa yung shield at sword ko at tanging ang dagger nalang ang natitira sa akin. Hindi ko na rin nagawang balikat iyon dahil napuno na agad ng hunters ang lugar na iyon.



Kahit na mausok at umaapoy na ang ibang bahagi ng kaharian, malinaw pa rin sa mata ko ang daanan. Napatango nalang ako ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Sensui.


"This is the hidden part of Enchanted Garden. Royals lang ang may alam ng lugar na ito"

Mabilis akong tumakbo papunta roon pero mabilis din akong nagtago ng makaaninag ako ng isang hunter sa di kalayuan. Nagtungo ako sa may pader at doon nagtago pansamantala.


Sa puntong ito, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na ako pero nangingibabaw pa rin ang tapang lalo na't isinaksak ko sa isipan ko na kailangan kong iligtas si Sensui. Kung hindi kami magtatagumpay, wala ring matitira ni isa sa amin.



Lumingon ako sa kaliwa at kanan ko. Napasmirk ako ng mapagtanto kong Knights' chest pala ang lugar na ito. Mabilis kong pinagbubuklat ang mga chest dito sa loob. Nakuha ko ang isang medyo kinakalawang na shield at mapurol na espada. I have no choice. Ito nalang ang natitira dito. I have to learn how to use this junk, right now.


"Found you" mabilis akong napatingin sa likod ko ng makarinig ako ng malamig at husky na boses. "I'm not scared of you" buong tapang kong sagot.



"You are one of our target, Zandria." sambit nito at akmang tatalon na papunta sa gawi ko ng mabilis kong siyang natamaan ng shield at nasaksak ng kinakalawang na espada. He groaned in pain as he slowly vanished. Kinuha ko muli ang kinakalawang na espada at nagsimula na ulit maglakad patungo sa Enchanted garden.


Huminga ako ng malalim at nagmasid masid. Mukhang walang hunter sa bahaging ito. Napatigil ako ng presensya sa likod ko. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang grupo ng hunters na parang may hinahabol at doon ko napagtantong si Cayn pala ang hinahabol.


Mabilis akong nagtago sa mga damo ng mapagtanto kong 5 hunter ang humahabol sa kanya. "You can't catch me!" Pangaasar na sigaw ni Cayn. Animo'y nageenjoy pa.


Napatakip ako ng bibig ng biglang may tumama sa balikat ni Cayn na isang matulis na bagay dahilan para madapa siya. Maluha luha kong pinagmasdan ang nakadapang si Cayn at pilit na tumatayo pero di niya magawa dahil inaapakan na siya ng isa sa mga hunter.


"Cayn, fight please" bulong ko. Sana marinig niya.


"Tell us, where is that girl!?" Sigaw nung isang hunter na nasa harap niya at hawak hawak ang baba ni Cayn. "Haha, I don't know" sagot ni Cayn sa mga ito.

Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon