Chapter 8

500 22 0
                                    

Zaia's POV


Unang pumasok si Sensui sa classroom at sumunod ako, nakita ko kung paano sila napatigil sa mga ginagawa nila. Even the five queens. I looked back at Adri and she's now walking behind me. Silang dalawa ang nagiging center of attraction dito.


Dumaretso na kami sa kanya kanya naming upuan. Napadilat nalang ako lalo ng makita kong inilagay ni Adri ang bag niya sa tabi ni Cassandra. Mukha kasing absent yung seatmate ni Cass.


Matapos ang klase ay dumaretso na kami sa food court. Andaming students na nakapila para sa meal nila. Tinignan ko naman si Sensui at deretso lang ang tingin nito. Buong akala ko ay sa food court kami pupunta, sa music room pala.


Hindi man lang siya kumatok at basta basta nalang siyang pumasok dito. Sumunod na rin ako. Nagulat ako kasi nagiba ang itsura dito sa music room. Merong tatlong sofa, tv, fridge, tapos may kwarto pa sa kabila. May sarili na ring cr. Aakalain mong nasa isa kang condominium. 


"Make yourself comfortable. It's ours now" aniya at itinapon nalang niya ang kanyang sarili pahiga sa isang sofa. 


It's ours? Ano nanamang ginawa ng lalaking ito?


I let my eyes examined the whole room. I think it is soundproof. May nakita akong isang pintuan na may clear glass kaya makikita mo ang loob. Sumilip ako at nakita ko ang mga instruments. Kompleto para sa banda. Mayroon drums, piano, all kinds of guitar including bass ofcourse. Merong violin, a cello, a flute, saxophones basta its too many to mention. It is such a beautiful place for me.



Napalingon ako ng may naramdaman akong ibang presensya ng tao. I looked back and I saw Adri. She's holding two paper bags. She placed it on the table.



"How can a school property be yours? Is that even legal?" I asked.



"I can do what ever I want" aniya. Yeah right! 



Kinuha niya ang isang paper bag at kinuha ang laman nito. Looks like they ordered outside the school. Pero napaka yaman naman niya para bumili ng isang property ng school. Saka anlaki siguro ng ginastos niya para lang sa kwartong ito. Hindi naman kasi ganito ang itsura nito dati eh. Kahit ba maraming rehearsal studio dito, ito pa talaga yung pinili niya. Maliit pero napakaganda saka maluwag tignan. Napaka-high class pa.



Ganun ba talaga kayaman tong mga to lalo na si Sensui? Hindi sa nagdududa ako pero minsan napapaisip talaga ako. Saan siya nakakapundar na malaking pera? Kailangan kong magpatulong sa kanya eh dahil wala akong pera eh. Sa pagkakatanda ko rin, nabanggit sa akin ni Kheana na wala na ang Mama at Papa nila.



"Ah thank you. Adri! Join us" tawag ko sa kanya. May parang pinagkakaabalahan kasi siya sa may mini kitchen.

Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon