Chapter 2

932 30 10
                                    

Zaia's Pov

"Hi, I'm Kyle Adams" pakilala niya sa harapan. Nagsimula namang magbulungan yung mga kaklase ko at yung iba ay mukhang na-attract na sa kanya.


"You may now sit down" sambit ni Sir Collins sa kanya.


Inilibot ni Kyle and tingin niya sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan. Nakaramdam ako ng kaba nang mapansin kong yung upuan sa tabi ko na lang ang bakante.



Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa presensya niya at kung bakit ako naiilang na tumabi sa kanya buong school year. Wala akong problema sa mga lalaki dahil kinasanayan ko naman makihalubilo sa kanila dahil kay Cayn. But what is wrong with this guy that made me crazy just because he will sit beside me?

Is it because he is too attractive? Damn!

Ibinaling ko muli ang tingin ko sa kanya at napansin kong naglalakad na ito palapit sa akin. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa palda ko at halos magusot na ito dahil nagtama ang tingin namin.



"May I sit here?" Tanong ni Kyle sa akin. Napalingon naman ako dun sa mga babaeng nasa harap at sinamaan nila ako ng tingin at ipinakita nila ang nakakuyom na kamao nila.  



"Y-You can sit anywhere, but not here" sagot ko dito at napasmirk ito.



 Gumilid siya para ipakita sa akin ang kabuuan ng room at wala naman talagang bakante. Great!



"Looks like I really have to sit here" napasmirk ito at naupo ng komportable sa tabi ko.

 

Napaiwas naman ako kaagad ng tingin dahil nanlilisik yung mga mata niya. Yung simpleng titig lang niya, pwede ka ng matunaw. Nagsimula na ang klase pero hindi ako makafocus.

His stargazer scent lingers through me. I just can't resist his scent. Para akong nasa garden. I glanced at the window to see his reflection. I can see how his pointed nose perfect the shape of his face. His fiery monolid-brown eyes and his soft lips that suits him well. Oh gosh!


First time ko atang ma-space out ng dahil sa nilalang na ito. Mag-focus ka nga Zaia. Hindi ka dapat bumagsak. Dapat first day palang may pasabog ka na. Dapat ikaw agad ang teacher's choice. Kailangan ko ng mataas na grade para sa scholarship.


FIGHTING!


Natapos na ang klase kaya inayos ko na rin ang gamit ko isa isa ng naglalabasan ang mga kaklase ko para pumunta sa susunod na subject namin. Napasinghap ako ng mahulog yung ballpen ko patungo doon sa lalaking katabi ko. Tatawagin ko na sana ito para abutin yun kaso nakalimutan ko ang pangalan niya. 



Tumayo na ako at akmang kukunin na yung ballpen pero nagulat ako ng wala na ito doon. Dahan dahan kong nilingon yung lalaking iyon na nakatingin pala sa akin.

"Is it your hobby to stare at your seatmate for the whole class?" nagulat ako sa biglang sinabi niya sa akin.


He knew I was looking at him and I didn't even notice it. Damn it! Zaia.

 "Just be sure that you won't fall inlove with me because I don't have any plans for you" Napangisi naman ako dahil sa sinabi ng lalaking ito.


Who Are You? (COMPLETED/ UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon