Chapter 8

28 2 0
                                    

Hindi malaman si Luhan ang kanyang gagawin at nung tinignan niya yung pinang-galingan ng putok ay wala na taong gumawa nuon kay Mich

 

Isang sigaw ang umalingawngaw sa kwarto ni Mich at huminto ang lahat

 

Agad binuhat ni Luhan si Mich at nag teleport papunta sa ospital at pagkababa niya duon sa emergency room at tawagan ang katulong nila ay tumakbo agad ito palabas ng ospital at nagteleport ulit para hanapin yung taong gumawa nuon kay Mich

 

Wala pang isang minuto ay nakita na agad ni Luhan yung taong bumaril kay Mich

 

"Sinong nagutos sayo na gawin mo yun kay Mich?" kalmang tanong ni Luhan dun sa kriminal

 

"Wala trip ko lang" pilosopong sagot ng lalake

 

"TRIP MO LANG?! EH BINARIL MO YUNG MAHAL KO TAPOS TRIP MO LANG ?! EH KUNG PAGTRIPAN KO DIN KAYA YANG BUHAY MO!" sigaw ni Luhan 

 

"Eh di gawin mo, pero alam kong hindi mo magagawa yun, hahaha" hamon ng lalake

 

"PAANO MO NAMAN NASABING HINDI KO MAGAGAWA?" tanong ni luhan

 

at isang iglap lang ay nakatayo na sila sa tuktok ng isang building habang hawak ni Luhan sa kwelyo yung lalakeng bumaril kay Mich

 

pero imbis na matakot ay ngumisi lang ang lalake kay Luhan

 

"Alam kong hindi mo yan magagawa dahil alam ko ang sikreto mo ..." sabi ng lalake

 

***FLASHBACK***

 

"Pano kung mapatay ako dahil sa pinapagawa mo sakin?" tanong ng lalake kay Sehun

 

"Hindi ka mapapatay ni Luhan, dahil hindi niya kayang pumatay dahil pag pumatay siya, MAMAMATAY DIN SIYA" sabi ni Sehun

 

"Bakit naman?"

 

"Basta hindi mo dapat malaman, ang importante magawa mo ang pinapagawa ko at sinisigurado ko sayong hindi ka mamamatay"

 

***END OF FLASHBACK***

 

"Ngayon nakakasigurado na ako kung sino ang nagpagawa sayo nito"

 

pagkasabi ni Luhan nun ay bigla niyang binitawan sa kwelyo at nalaglag ang lalake simula 50th floor

 

pero bago pa tuluyang bumagsak sa sahig yung lalake biglang huminto ito at pagtingala niya nakita niya si Luhan na nakatayo sa harapan niya

 

"Magiging babala na sana saiyo ito, handa akong ibuwis ang buhay ko para sa taong binaril mo" pagkasabi nun ni Luhan ay hinigit niya ulit sa kwelyo yung lalake at pagdilat nito ay nasa harapan na sila ng police station

 

"Sila na bahala sayo dito" sabi ni Luhan

 

At dinala na niya ito sa loob at sinabi ang ginawang krimen ng lalake kay Mich

 

Paglabas ni Luhan ng police station ay nagteleport na agad ito sa hospital kung nasan nadoon si Mich, at pagdating niya duon ay nakita niya ang kasambahay nila Mich

 

"Wala pa po bang balita kay Mich" tanong ni Luhan sa kasambahay

 

"Wala pa, simula ng pumasok yung doctor hanggang ngayon hindi pa din ito lumalabas" sabi naman ng kasambahay

 

"Oh sige po meron lang akong aasikasuhin, babalik din po ako agad" pagkasabi ni Luhan nun sa kasambahay ay lumabas na siya ng ospital pero pag bukas niya ng pinto ... pinto ng kwarto ni Sehun ang kanyang napuntahan

 

"Anung ginagawa mo dito?" tanong sakanya ni Sehun

 

"Anong napagusapan natin?" balik na tanong ni Luhan kay Sehun

 

"Wala naman tayong pinagusapan diba? Hindi ko nga alam kung bakit ka nandito eh" sagot ni Sehun kay Luhan

 

pero wala pang isang iglap tumalsik agad yung table ni Sehun at hawak na siya ni Luhan sa Leeg

 

"Ano ba Luhan nasasaktan ako, hindi ako makahinga! Ano bang ginawa ko sayo?!" sigaw ni Sehun kay Luhan habang tinatanggal niya ang kamay nito sa leeg niya

 

"Alam kong alam mo kung bakit ko ito  ginagawa sa'yo" sagot ni Luhan at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg

 

ngumisi lang si Sehun at huminto sa kakapalag

 

"Bakit? Patay na ba ang pinakamamahal mong si Michelle Lim?" tanong nito kay Sehun

 

Naginit ang buong mukha ni Luhan sa sinabi na yun ni Sehun at biglang nagbago ang kulay ng mata ni Luhan

 

Biglang binato ni Luhan sa kabilang sulok ng kwarto si Sehun pero nung pagbangon ni Sehun parang walang walang nangyari sakanya at nagiba na din ang kulay ng mata nito

 

"Alam mong walang kwenta sakin yang mga ganyan Luhan" sabi ni Sehun habang nakangiti ng pang-asar kay Luhan

 

nang makalapit si Sehun kay Luhan at hinawakan ito sa kwelyo at nagteleport sila papunta sa isang abandonadong building

 

"Siguro naman panahon ko naman para gumanti" sabi ni Sehun

 

biglang binato ni Sehun si Luhan sa pader

 

"I told you Luhan not to mess with me" sabi ni Sehun kay Luhan

 

"Alam mo namang mas malakas ako kesa sayo" dugtong pa nito

 

Tumayong duguan si Luhan

 

"Pero alam mo naman na hindi kita mahal" sabi ni Luhan kay Sehun

 

At bigla ulit tumalsik si Luhan sa kabilang pader

 

"Well, tuturuan kita kung pano ako mahalin" sabi ni Luhan kay Sehun

 

At lumapit si Sehun kay Luhan at binugbog ito

 

"Siguro naman magtatanda ka na Luhan? Sinisigurado ko sayo kung hindi mo lalayuan si Michelle, MAPAPAHAMAK siya" sabi ni Sehun kay Luhan

Starting over again [EXO Luhan Fanfiic]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن