Chapter 2

184 3 0
                                    

At dahil miss ko na kayo agad. Nag update na ulit ako .. Hahahaha

Sinisigurado ko na isa tong mahaaaaaaaaaaaaaaabang update. Hehehe

Eto na ang next Chapter

------------------------------------------------------------------

Nagulat nalang si Luhan ng nawalan ng malay si Michelle at inakala kung anong nangyare

"Mich, gising!" sabi ni Luhan habang tinatapik ito sa mukha pero hindi padin dumidilat ang dalaga, nagmadali syang tumawag ng taxi pero hindi para pumunta sa hospital pero para pumunta sa bahay nila

'sigurado pag dinala ko to sa hospital wala din mangyayari, lasing kasi tong babaeng to' sa isip isip ni Luhan

pagdating nila sakanila binayaran agad nya yung cab na tinawag nya para maghatid sakanila pauwi

at pumasok agad siya sa kwarto karga ang isang walang malay na babae

tinawag agad niya yung kasambahay nila

"Ate kristy, padalhan naman ako ng maligamgam na tubig dito sa kwarto pakilagay sa isang palangana" sigaw ni Luhan

"Sige po sandali lang" sigaw pabalik ng kasambahay

habang hinihintay ng binata ang kanilang kasambahay, inayos muna nya sa pagkakahiga si Mich sa kama at dali-daling pumunta sa isang kwarto para kumuha ng damit pambabae

at pagbalik ni Luhan sa kanyang kwarto nakita nya na nandoon na ang kasambahay na kayang inutusan

"Ate, paki bihisan naman po siya para mapreskohan at masimulan ng punasan" sabi ni Luhan

"Sige po, pero sino po ba sya sir?" tanong naman ng kasambahay

"Ah, special friend of mine" maikling sagot nito

at tinitigan lang nya ang babaeng mahimbing na natutulog at nakaramdam din siya na parang may nakatitig sakanya, at paglingon nya nakita nyang nakatitig lang sakanya ang kanilang kasambahay

"Bakit?" tanong nya 

"Sir, manonood po ba kayo habang pinapalitan ko sya ng gamit?" inosenteng tanong ng kasambahay

bigla naman namula si Luhan at napakamot sa batok habang naglalakad palabas ng kwarto

"Ahhh, hehehe, sorry sige labas muna ako, tawagin mo nalang ako pagkatapos mo siya bihisan" sabi ni Luhan

habang naghihintay si Luhan sa labas ng kwarto nya ay bumalik sa isip nya yung ginawa nya kay Mich bago ito mawalan ng malay

"Arrrgh !! Bakit ko ba ginawa yun sakanya, sana hindi niya maalala yun pagka gising niya kundi hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ko iyon nagawa" kausap ni Luhan sa sarili niya habang ginugulo ang buhok

"Sir, may problema po ba?" tanong ng kasambahay

"Ahh wala, tapos na ba?" tanong nito

"Opo tapos na po" sagot naman nito sa tanong ni Luhan

"Okay salamat, maaari ka ng bumaba, tawagin nalang ulit kita pag may kailangan" sabi niya sa kasambahay

"Okay po" sabi ng kasambahay at tuluyan na itong umalis

pumasok naman na si Luhan sa kwarto nya at sinara na ang pinto

nagpalit muna siya ng damit para mapreskuhan din ang sarili at saka binalikan ang dalaga

sinimulan na nya punasan ng maligamgam na bimpo ang dalaga

'akala ko sa FB nalang kita makikita at masusulyapan' sabi nito sa isip nya

***FLASHBACK***

"dre, meron akong papakita sayo" sabi ng kaibigan nitong si Baekhyun

"nako bacon kung babae nanaman yan, wala akong panahon" pambabara naman nito

"eto naman! dali na! saglit lang, ang ganda dre! sigurado akong ganito ang mga tipo ng babaeng hinahanap mo" pagbibida naman ni Baekhyun sa litrato ng babae na tinitignan nito sa Facebook

At dahil sigurado si Luhan na hindi sya nito titigilan kung hindi niya ito pagbibigyan

"patingin nga" sabi nito at kinuha ang laptop kay Baekhyun

pagkakitang pagkakita nito sa litrato ay hindi na agad natanggal ang tingin nito sa mukha nya

"oh diba, sabi sayo eh, magugustuhan mo sya eh" pang-aasar ni Baekhyun kay Luhan

"Ano nanaman yang pinapakita mo kay Luhan ha?" singit naman ni Sehun

"Sus selos ka lang eh" sabi naman ni Baekhyun

"BYUN BAEKHYUN!! O////O" sigaw naman ni Sehun

"Hahahahaha! Bakit ka namumula?" pang aasar padin ni Baekhyun

"Tse" yun nalang ang nasabi ni Sehun at nag walk out na

pero kahit na nag-aaway na yung dalawa ay seryoso padin siyang nakatingin sa picture ng magandang babae

"Bacon, anong pangalan nya?" tanong nito ng hindi manlang tumitingin sa kausap

"Michelle Lim" sagot naman nito

"Pano mo sya nakilala?"

"Nag pa guestlist sakin yung kaibigan nya, kasama sya kaya chineck ko kung anong itchura para pag hinanap ko kilala ko agad" paliwanag naman ni Baekhyun

"Kelan daw sila gigimik?"

"Grabe ha, ang daming tanong, sa Saturday daw" angal ni Baekhyun pero sinasagot padin naman nya

"Hindi mo sila sisiputin, okay?" seryosong sabi ni Luhan

"Okay" sagot nito

1

2

3

"ANO ? BAKIT HINDI KO SILA SISIPUTIN? EH GUEST KO SILA? O_O" sigaw ni Baekhyun

"dahil ako ang mag assist sa kanila, okay?" mahinahong sagot ni Luhan

"Ayoko, akin sila, guest ko sila, ako mag aassist sakanila" tanggi naman ni Baek

[A/N: ang haba naman kasi ng pangalan ni Baekhyun eh]

"iaassist mo sila o matatanggal ka sa production?" pananakot naman ni Luhan

"sabi ko nga sayo na sila eh" sabi naman ni Baek habang naka akbay kay Luhan

"sabi ko sayo magugustuhan mo eh" papuri naman ni Baekhyun sa sinabi nya

At nung araw ding iyon inadd na sya ni Luhan at wala pang ilang minuto inapprove naman ito agad

"Baekla! este Baekhyun inaccept nya yung friend request ko" sabi Luhan kay Baek

pero hindi pa nakakasagot si Baekhyun at may biglang nag pop-up na message sa facebook ni Luhan

*pop*

Michelle: thanks for the add friend

"paktay tayo dyan, hindi ka pa nag dadamoves friend zone ka agad" pang aasar ni Baek kay Luhan

"Tignan natin sa sabado yang sinasabi mong friendzone, hahahah, BAEKLA!" pang aasar naman ni Luhan

***END OF FLASHBACK***

"pero hindi ko instensyon na halikan ka Mich" kausap padin nya sa babaeng tulog

matapos nyang punasan ng bimpo si Mich ay binalik na nya ang ginamit na plangana at bimpo at nagpunta sa kabilang kwarto kung saan sya kumuha ng damit pero ngayon naman ay para kumuha ng blanket at unan para gamitin nya pag tulog

pagbalik naman nya ng kanyang kwarto nilatag nya katabi ng kama nya yung blanket na kinuha nya

bago sya tuluyang mahiga hinalikan nya sa noo ang natutulog na dalaga

"goodnight my princess" bulong nya dito

pero bago siya tuluyan maka higa narinig niyang nagsalita ang natutulog na dalaga

"salamat" sabi ni Mich habang nakangiti

at tuluyan na syang natulog ng may ngiti na labi

Starting over again [EXO Luhan Fanfiic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon