Chapter 3

49 1 0
                                    

Nakakatuwa naman meron palang nagbabasa nito. Hehehe. Comment naman po kayo dyan para ganahan si Author na mag update and comment din sa mag papadedicate. Hehehe. 

Vote na din kayo . Masyado nang abusado si author

Kamsahamnida

------------------------------------------------------------------

Nagising si  Mich na masakit ang ulo, at napansin nyang nasa ibang kwarto sya

'nasan ako?' tanong nito sa sarili nya

'anong nangyari kagabi?'

paglingon nya sa paligid, isang maaliwalas at malinis na kwarto ang nakita nya at  nung bababa na sya ng kama napansin nyang iba ang damit na suot nya at nakita nya ang lalakeng mahimbing na natutulog sa lapag

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" tili nito

dahil sa ingay nya nagising bigla si Luhan

"bakit? anong nangyari? may nararamdaman ka ba? may masakit ba sayo?" tarantang tanong nito sa babae

"Bakit ako nandito?! anong ginawa mo sakin?! Nasan si Trisha?!" hysterical padin na tanong ni Mich

nagbago ang tono ni Luhan nung nahimasmasan na sya

"wait, isa isa lang" sabi nito at huminga ng malalim bago magsalita ulit

"nalasing ka at nawalan ka ng malay kagabi, at nandito ka ngayon sa kwarto ko, si Trisha umuwi na kagabi kasi inaway mo, at wala akong ginawang masama sayo" pagpapaliwanag nito

tapos napatingin naman ito ulit bigla sa damit 

"at yung tungkol sa damit mo, kasambahay namin ang nagpalit sayo, at wala akong nakitang iba promise" paliwanag ulit nito at nagtaas pa ng kanang kamay

natahimik si Mich halatang inaabsorb pa yung mga sinabi ni Luhan

10%

50%

80%

99%

complete!

"anong sinabi mo? inaway ko si Trisha? bakit ko naman gagawin yon sa kaibigan ko?" tanong nito ulit

"kasi nga nalasing ka at inaaya ka na nya umuwi pero sinigawan mo lang sya kaya umuwi sya ng umiiyak" pangongonsensya nya kay Michelle

"hala! seryoso ka? nagawa ko kay Trisha yon? wala akong maalalang ginawa ko sakanya yun" pagpapaliwanag naman ni Mich

"Talaga? wala kang maalala kahit anong nangyari kagabi" gulat na tanong ni Luhan

'hay salamat at wala syang naaalala' relieve na sabi nito sa sarili nya

"wala talaga, ang huling naaalala ko ay ...." bitin na sabi ni Mich

kinabahan naman bigla si Luhan

"pangatlong tagay ko ng tequila, after nun wala na akong maalala" sabi ni Mich habang kumakamot ng ulo

"seryoso? hanggang pangatlong shot lang ng tequila  yung naaalala mo? eh halos makaubos ka kaya ng isang bote ng tequila kagabi (O_O)" sabi ni Luhan with big eyes kasi nagulat

"OMO?! Talaga ? kaya pala ang sakit ng ulo ko ngayon, kasi naman diba sabi ko sainyo hindi ako umiinom ng tequila eh" sabi naman nito

"hang over talaga yan,  teka anong oras na ba?" sabi nito at tingin sa wall clock na nasa kwarto nya

"9:30am na pala, tara na, maghilamos ka na at magbreakfast na tayo sa baba" aya ni Luhan kay Mich habang inaayos yung blanket na ginamit nito sa pag tulog

Starting over again [EXO Luhan Fanfiic]Where stories live. Discover now