Chapter 49

378 23 8
                                    


"Baho-baho naman!" Sabi ko sa aso ko na ngayon ay nakasalampak sa sahig dahil naiinis siya sa'kin. Pinaglaruan ko ang mga tainga niya bago ko siya nilagyan ng sabon sa buong katawan.

"H'wag kang maarte, Barney! Ang baho mo na. Aba, tapos ngayon titingin ka sa'kin na parang ewan?" Saway ko sakaniya. Halos tumawa ako ng malakas dahil narinig ko ang ungol niya at ang pag-irap niya sa'kin.

"Today's my birthday, pero hindi naman ako binabati nila Andrew! Ganiyan sila kabusy, buti na lang at nandito ka."

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko dahil alam kong kahit nagiinarte siya ay natutuwa rin naman siya kapag bagong ligo siya. And ayokong sumama ang loob ko dahil hindi ako binabati ng mga kaibigan ko. Pati si Mama ay hindi pa tumatawag. What's with everyone?!

"Ilang araw ako mawawala, Barney. Gusto kita isama pero baka iwanan na muna kay Crystal. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta ni Kurt, e," patuloy ang pakikipag-usap ko sakaniya kahit na alam kong 'di naman siya sasagot sa'kin.

"Kaya after this bath, magpapatuyo ka at susunduin ka ni Crystal! 'Wag kang maarte ha? Love mo naman si Crys pero 'wag mo siya pahirapan. Kahit hindi mo bahay ang bahay nila, gawin mo ang tinuro ko ha?" Hinawakan ko pa siya sa nguso niya at pinaharap sa'kin para maintindihan niya pa ako.

"Doon ka sa banyo iihi at pupupu. Kung ayaw mo sa banyo nila, doon ka sa garden nila, atleast nagkaroon ng silbi 'yung pupu mo," sabi ko pa sakaniya. Sinimulan ko siyang banlawan nang tumayo na siya ng ayos at tapos na ang pagiging tamad niya.

"Doon sa garden, Barney ha. Kapag nalaman kong hindi ka doon umihi at tumae, hindi na kita iuuwi sa probinsya," kumahol siya pagtapos ng sinabi ko. Ngumiti ako sakaniya habang hinihimas ang buong katawan niya.

"That's my girl," bulong ko sakaniya.

Inubos ko ang oras ko sa umaga hanggang tanghali sa pagaalalaga kay Barney. Tahimik lang naman siya habang nagiimpake ako ng pagkain niya at ng mga gamit ko. Alam niya atang aalis ako ngayong gabi rin kaya iyan at nagpapakatahimik. Gustong sumama kaya ginagawa ang lahat para maging behave.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Binuksan ko iyon at bumungad sa'kin si Crystal na nakangiti kay Barney. Mas lalong bumaba ang mga tenga ni Barney nang nakita niya si Crystal.

Sumimangot ako dahil nagpapaawa talaga si Barney. I sighed bago ko siya kinuha mula sa kama ko at inilagay sa mga hita ko.

"It's just one day and one night, Barney," sabi ko sakaniya.

Umupo sa gilid ko si Crystal para makisali sa paghimas sa ulo ng aso ko.

"Pasensiya na sa abala, Crystal ha? Ayaw ko lang iwanan siya dito sa dorm. Wala akong tiwala, e," mahina kong sabi. Marahan siyang umiling at kinuha ang aso ko.  Hindi bale nang hindi ako binabati ni Crystal ngayon, basta ba aalagaan niya ng ayos ang aso ko.

"It's fine, Tiffany. Hindi naman abala si Barney, and besides wala naman akong gagawin the whole weekend," sabi niya. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What happened to your date with Aldein?" Tanong ko pero isang malungkot na ngiti lang ang binigay niy sa'kin.

"To be honest, I feel guilty about dating him," sabi niya sa'kin. "My sister is still in love with him, at hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata niya habang pinipilit niyang ngumiti para sa'kin."

"Crystal--" pinutol niya na agad ang sasabihin ko dahil alam niya ang mga susunod kong litanya.

"It'll be fine. We just move too fast, that's all," mahina niyang sabi. Nanatili ang tingin ko sa mga mata niya na ngayon ay nakatingin kay Barney. Hindi ko na siya kinulit pa.

One Word, Two SyllablesWhere stories live. Discover now