Chapter 22

1.1K 43 2
                                    


Panay ang sulyap sa'kin ni Kurt sa buong biyahe pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin, hindi ko talaga alam pero naiirita talaga ako. Pati tuloy si Dylan sa likuran ay tahimik at mas piniling kausapin si Crystal na nagsasalita.

"Tapos? Anong nangyari?" Walang ganang tanong ni Dylan kay Crystal. Nilingon ko silang dalawa at nakita kong nakasandal ang ulo ni Crystal sa mga hita ni Dylan habang nakapikit at nagsasalita.

"Tapos nadapa siya. Nauna pa ang mukha kasi madulas 'yung sahig," tinagilid ko ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Crystal.

"Sino raw ang nadapa?" Tanong ko kay Dylan.

"Hindi ko alam. Hindi ko rin siya maintindihan, e," nakangiwing sagot ni Dylan sa'kin. Tumawa ako pagtapos ay inabot ang pisngi ni Crystal para tusukin 'yun.

"Aray! Dylan may lamok ata sa pisngi ko!" Huminga ng malalim si Dylan at inialis ang kamay ko na nasa pisngi ni Crystal.

"Wag mo ng guluhin, Tiffany. Baka mahilo ng sobra at sumuka pa," hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. Ngayon ko lang nakitang lasing si Crystal at nageenjoy talaga ako doon. Mabuti na lamang at hindi siya makulit na umaabot sa punto na kakainisan mo na. Madaldal lang sya at kung anu-ano ang kinukwento.

"Umayos ka ng upo, Tiffania, baka mahilo ka," tumigil ako sa pagtawa dahil sa narinig ko, pero hindi ko siya pinansin at mas kinulit pa si Crystal.

"May kumukurot sa pisngi ko. Mashakheeet!" Tumawa ako muli lalo nang hinawakan ni Dylan ang mga kamay ko para hindi ko na mahawakan si Crystal.

"Kapag 'yan nahilo, Tiffany. Mamaya mo na kulitin," saway ni Dylan sa'kin. Tumawa ako lalo nang nakita ko ang mukha ni Dylan na nagmamakaawa sa'kin. Aw, he really cares for her.

"Tiffania—"

"Oo na! Ito na!" Sigaw ko kay Kurt at umayos na ng upo sa upuan ko. Napaka-epal, akala mo kung sino. Kung gusto kong yumuko-yuko dito sa loob ay dapat hinahayaan niya ako!

Buong biyahe ay mainit ang ulo ko, hindi ko na nilingon sina Crystal kahit na patuloy pa rin siya sa pagsasalita at itong si Kurt naman ay hindi na rin umimik.

Noong nakarating kami sa bahay ay mabilis akong bumaba at kinuha ang susi sa bag ko. Sinabi ko kay Dylan na idiretso si Crystal sa kwarto at doon ko na lang siya pupunasan, tumango si Dylan at mukhang natatakot magsalita.

"Nasa kanan 'yung kwarto ko, Dylan, pakipasok na lang si Crystal doon," sabi ko habang binubuksan ang bahay. Binuhay ko kaagad ang ilaw ay tumakbo naman si Barney papunta sa'min. Tumahol siya nang tumahol kaya nagising si Crystal na karga ngayon ni Dylan. Tinanggal ni Dylan ang sapatos niya bago ko pa siya mapigilan. Ayos lang naman kung ipapasok na niya muna.

"Hi, doggie! Kamukha mo aso ni Tiffany!" Hinubad ko ang sandals ko at itinabi na.

"Si Barney kasi 'yan, Crystal," sagot ko sa lasing kong kaibigan na tumawa naman. Seriously? Nalasing talaga siya?

"Alam ko," sagot niya habang tumatawa. Huminga na lang ng malalim si Dylan at umakyat na sa kwarto ko.

Susunod na sana ako sa itaas pero naramdaman kong hinawakan ni Kurt ang kamay ko. Nandito na pala ito? Akala ko nasa kotse pa siya?

"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong niya sa'kin pero marahas ko lang kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Hindi ako masungit, okay?!" Sagot ko sakaniya, pero mas humigpit lang ang hawak niya sa palapulsuhan ko.

"Bakit ka ba nagagalit?" Marahan niyang tanong sa'kin. Pakiramdam ko maiiyak ako sa harapan niya dahil sa lambing ng boses niya, kaso hindi ko ginawa. Magmumukha akong baliw at bakit ba ang emotional ko ngayon?

One Word, Two SyllablesWhere stories live. Discover now