Bula

7 0 0
                                    

bulanaglahobigla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

bula
naglaho
bigla

ang bula
sa loob
ang init
ang pusok
ang rupok

nasira
pumutok
naglaho

tinangay 
ng hangin
nawala
ang lasa
ang amoy
ang dama

bula
sa loob
sa kaibuturan
sa dulo
ng mga kuko
sa multo
ng ngisi
ng daing
ng ungol

nawala
parang bula
tinangay
humalo
sa hangin
sa hininga

hinga
hindi
makahinga

'pagkat
ang bula
na tulad
sa paglaho
naging
bula
sa multo 
ng ngisi
tinangay
ng luha

bula
bumubula
ang bibig
na minsang
dinurog
ng ibang labi

hinga
wala na

tulad niya
bula
ikaw
pagala-gala
parating na
ang minuto
ikaw'y
mawawaglit
sa kawalan

bula
siya
sa labi
ikaw

-- xx --


Pretty creepy eh? ;)

(inspired sa "Ako ang Daigdig" ni Sir Alejandro G. Abadilla)



Bring Back the StanzasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon