Tinig

13 0 0
                                    

Hindi ka mang-aawit
pero ang garalgal ng 'yong boses
ang aking hinahanap;
Hindi mo man abot
ang tamang taas ng kanta,
boses mo pa rin
ang sa aki'y humahalina;
Hindi man gano'n kabihasa
ang 'yong mga daliri
sa pagtugtog ng gitara
ngunit ramdam ko ang init nito
sa t'wing naglalakbay sa aking mukha;
Kung hindi ako
kayang ibigin
ng 'sang mang-aawit,
ano'ng aking magagawa?
Hindi ka man gaya niya
At boses mo'y sintunado pa
Sabay na lang tayong tutula,
Pagkat hanap ko ang garalgal
ng boses mo,
Sa t'wing 'yong sinasambit,
"Ikaw ay mahal ko."

-- xx --

Yenno everytime I get to hear Bruno Mars's "Billionaire", I just.. just.. OKAY

Recite uli tayo next time. :D

Dedicated to one of my crushes

Bring Back the StanzasWhere stories live. Discover now