Sino'ng Umasa

13 0 0
                                    

G :
Ikaw.
Ikaw ang unang nagtext,
Nag-chat,
Ang nagparamdam,
Tinibag mo ang puso kong
Binalot ng yelo,
Puso kong
Uhaw sa pagsuyo,
Ikaw.
Ikaw ang umipit
Ng rosang marikit,
Mahalimuyak
Sa patlang ng aking
Tenga at ulo,
Ikaw
Ang umawit
Ng kantang
Para sa akin ang liriko
Ang musikang binalot
Ng riin at pagkagusto
Ikaw
Ang yumapos sa pagal
Kong katawan,
Ang humaplos sa
Mga palad kong nilalamig,
Ang humaplos sa mga
Braso ko,
Sa mga daliri,
Sa balikat,
Ikaw.
Ang humabi ng mga saknong
Na ako ang sanhi
Ng bawat taludtod
Ang mga labi mong nagkuyumos
Mariin
Mainit
Matagal
Sa mga salitang
Umalpas sa bibig habang
Binubulong sa 'king panga
"Gusto kita."
Ngunit lahat ng
Saya,
Tuwa at galak,
Naglaho bigla
Ikaw ang dakilang paasa
Dahil para sa 'yo
"Bored lang ako. Sorry na."
Tinulak mo ako
Tinulak sa bangin
Sa pangil ng hapdi,
Ng dalamhati,
Tinulak mo ako
Ngunit 'di mo naman sinalo
Inasinta mo ang puso ko
Ang puso kong durog na
Dahil habang
Umiindayog ang aking katawan
Sa saliw ng saya,
Ang palad mo ay masaya ring
Pinipiga ang aking nadarama
Ikaw
Umasa ako na may tayo
Na may something
But that something
Turned out to be nothing
Ikaw
Mag-sorry ka sa puso ko
Siya na nga taya
Siya pa ang dinaya.

B :
Ang mga salitang
Tumatak sa 'yong gunita
Ay mga titik
Na aking pinagtagpi,
Ikaw ay lupon ng
Mga talatang
Minsa'y 'di mawari
Subalit
Sa bawat pagningning
Ng 'yong mga luhang
Dumausdos
Bumasa
Sa 'yong mukha
'Di ko alam
'Di ko alam pero
Nasasaktan ako
Bakit
Hindi ko kayang
Nakikita kang luhaan
Lalo na ngayon
Na ako ang dahilan
Bakit
Bakit mo ginulo ng
Ganito ang buhay ko
Hindi ka ba napapagod
'Pagkat sa 'king panaginip,
Sa 'king mga tula
Ikaw ay nandito
Pati sa puso ko
Kaya huwag mong
Ikagalit kung sabihin kong
"Gusto kita."
Dahil totoo,
Gusto talaga kita.
Ako
Ako ang naguluhan
Ako rin ay nasaktan
Kaya huwag mong
Pasaning mag-isa
Ang dala-dala mo
Dahil tayo
Tayo
Tayo lang ang makakahilom
Sa sugat ng kahapon.

G :
Tayo?
Asensado!
Magaling ka nang magbiro
Dahil noon
'Pag ako'y nagtatanong
Kung okay pa ba tayo
Lagi mong
Sinusumbat
"May tayo nga ba?"
Mapanganib.
Napakapanganib na salita
At kumusta naman
Ikaw pa ang gumuhit ng linya
Na akala ko'y sa piko
Ko lang makikita
Ngunit
'Di ko alam
Iyon pala ang palatandaan
Oo, gusto mo ako
Pero hanggang kaibigan lang.

B :

Mahal kita!
Kaya tama na
Ang pagsambit
Sa mga salitang
Bumibiyak sa akin
Ng paulit-ulit
Ni minsan
'Di ko inakalang
Ikaw pala itong
Naghihintay
Matagal,
Mapait,
Nakakatanga,
Dahil ako
Ako rin
Naghintay nang matagal,
Masakit,
'Pagkat sa wari ko'y
'Di mo kayang yakapin
Ang aking kanta
Ang aking tula
Ang aking puso
Ang aking mga pagkakabigo
Sorry.
Sorry na
Ngayon na nalaman kong
Ito ang mga bagay na
Nagbigay ng kirot sa 'yong
Puso
Hayaan mong
Magsisi ako
Magdurusa
Ngunit 'di mo mababago
Ang puso ko
Dahil ito ay patuloy na
Titibok lamang para sa 'yo
Gusto kita
Higit sa kaibigan,
Ikaw
Gusto kita bilang ikaw,
At ngayong nagmistulang
Malinaw
Sana ako'y mapatawad mo na
Back to square one, ika nga
Dahil papatunyan ko
Na kung mahal mo 'ko
Mas mahal kita.

-- xx --

Srsly, nadala talaga ako nang sinulat ko 'to haha

This one goes for you, Sir Ken! (my good mentor and makeup artist)

Bring Back the StanzasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon