Paraos

7 0 0
                                    


Kasi kaming mga writers, 'pinaparaos na lamang namin sa aming mga lathalain ang lahat ng hirap, pagod, stress, sakit sa puso, galit, lahat
Sarap kaseng magsulat 'pag may hugot
Na sa pagdampot pa lamang ng ballpen
Ay agad pipigain nang marahas ang katawan nito
Hanggang sa lumabas ang tintang
Luluha sa papel
Mga salitang sisigaw sa pait, sa sarap
Ang pag-indayog ng mga pangungusap
Hahabihin upang mabuo ang mga talata
Kami kasing mga writers, tanging papel na lamang ang dumidinig sa 'ming hirap, pagod, stress, sakit sa puso, galit lahat
Ngunit kapalit nama'y saya dahil "at least, 'di kami nag-iisa."


-- xx --

It's more of a rant (?) Being a writer/poet is sometimes ..

Haha. ;)

Bring Back the StanzasWhere stories live. Discover now