The Unexpected Affection: 4

Start from the beginning
                                    

Ngunit sadyang tuso si Leverie, dahil alam niyang si Steven ang tumatawag dito ngayon. Bago pa man niya puntahan si Valeen sa CoffeeShop, ay nasabihan na niya ang binata na makikipagkita siya rito, "Saglit lang tayo mag-uusap Valeen, please?" Napangisi naman ng palihim si Leverie nang makitang isinilid na ni Val ang telepono nito sa kanyang bag bago siya muling binalingan nito. "Let's go?" isang pekeng ngiti ang ipinakita niya rito bago tuluyang inaya ang dalaga sa table.

Wala sa sariling napasunod si Val sa mga kagustuhan ni Leverie, naisip niya na tatawagan na lang niya mamaya si Steven dahil hindi rin naman magtatagal ang pag-uusapan nila ng dalaga.

"So... Anong pag-uusapan natin?" kaswal niyang saad sa dalaga habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.

Ngumiti lang sa kanya si Leverie habang abala sa paghahalo ng kapeng iniinom niya, "First, I wanted to say sorry Valeen. Believe me or not, hindi namin sinasadya ni Nathan na saktan ka. Nadala lang kami sa bugso ng damdamin namin at hindi namin inakala na mahuhulog na kami sa isa't isa." mahabang litanya nito.

Nakikinig lang si Val sa lahat ng sinasabi ni Leverie, aaminin niya na wala na siyang pakialam sa mga ito lalong-lalo na kay Nathan. May sakit ngunit hindi na ganoon kalala, kaya naman sinagot na lang niya ito nang, "You know what Leverie? Sa totoo lang nasaktan ako sa ginawa niyong panloloko sa akin ni Nathan, pero matagal ko nang napalaya ang sarili ko sa sakit na naidulot niyo sa akin. Kaya walang halong kaplastikan, you're forgiven kayong dalawa ni Nathan. May kaonting sakit pa rin pero masaya na ako ngayon." aniya rito bago nginitian ang dalaga. "Sana kayo rin."

Bigla namang nag-iba ang awra ng mukha ni Leverie, dahil alam niyang si Steven ang dahilan ng kasiyahan ngayon ni Valeen. Kaya naman dala ng kanyang inggit ay mabilis niyang inihinto ang paghahalo sa kanyang kape sabay sabing, "I know..." mapang-asar niyang usal dito.

"What do you mean?" kunot noong pagtatanong ni Valeen sa dalaga.

"Alam ko kung sinong nagpapasaya ngayon sayo," ani Leverie saka isinandal ang kanyang likod sa upuan. "Si Steven, right?" dagdag pa nito.

Nagulat naman si Valeen sa isinatinig nito at bigla siyang pinagpawisan ng malamig, dahil sa isipin kung bakit kilala nito si Steven.

"Right... Tama nga ako, hindi nga sinabi sayo ni Steven kung sino ako sa buhay niya," sarkastikong anas nito saka humigop ng kape. "I'm his ex-girlfriend. Siya 'yong lalaking iniwan ko dahil kay Nathan."

Nangilid naman ang mga luha ni Valeen sa kanyang narinig at napahawak na lang ng mahigpit sa kanyang baso.

"Oh my! I'm so sorry, hindi ba nasabi sa'yo ni Steven na ako ang love of his life niya?" mapang-asar pang saad nito bago ngumisi na animo'y nang-aasar.

Hindi naman sumagot si Valeen dito at pilit pinapakalma ang kanyang sistema. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, bago diretsong tiningnan si Leverie ng mata sa mata, "Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng 'to ngayon?"

Mabilis naman siyang nilabanan ng matalim na tingin ni Leverie sabay sabing, "I had him first, so kukunin ko na ang dati kong pag-aari." mataray na anas nito habang nakikipag-tagisan ng tingin sa dalaga.

Tumaas lang ang gilid ng labi ni Valeen at sarkastikong ngumiti rito na parang nasusuklam, "Alam mo Leverie, mas lalo mo lang pinapababa ang tingin ko sa'yo. Napaghahalataan kang desperada sa mga sinasabi mo!" matigas na anas pa ng dalaga dito, na halatang nagpipigil lang ng kanyang galit.

The Unexpected Affection ✔️ (COMPLETE) Where stories live. Discover now