The Unexpected Affection: 4

7K 368 24
                                    

Ilang araw inignora ni Val ang lahat ng tawag ni Steven, dahil hindi niya talaga alam kung paano haharap dito. Ngunit kalaunan ay hindi niya rin ito natiis dahil na rin sa pangungulit at pagkakaibigan nila ng binata.

Habang abala ang dalaga sa kanyang ginagawa ay biglang tumunog ang kanyang telepono.

Kriiinnggg... Kriiinnggg...

Napangiti naman siya nang makita ang pangalan ni Steven doon, kaya mabilis niya itong sinagot, "Hello Tibby." masigla niyang saad sa binata.

"Hello Kuting, sunduin kita mamaya ha?" bungad nito sa kabilang linya.

"Okay po." tanging sagot ni Val, dahil kahit tumanggi naman siya sa alok nito ay mangungulit pa rin ang binata.

"Great! See you later kuting ko. Mwah!" magiliw na usal nito with matching kiss effect pa.

"Haha! Alright, see you Tibby." aniya bago ibinaba ang linya. Bago pa man bumalik sa kanyang ginagawa si Val ay muling tumunog ang kanyang telepono. Inisip niya na baka may nakalimutan si Steven na sabihin kaya muling tumawag ito.

Hindi na tiningnan ni Val ito at mabilis niyang sinagot muli ang tawag, "Hello Tibby, may nakalimutan ka?" nakangiting turan niya rito.

"Hi Valeen." boses ng babae ang bumungad sa kabilang linya.

Maagap na inilayo ni Val ang telepono sa kanyang tenga saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang hindi nakarehistro ang numerong iyon, kaya't dala ng kanyang kuryusidad ay muli niyang kinausap ito, "Yes... Speaking, who's this?"

"It's Leverie."

Mabilis namang namilog ang mga mata ni Val nang marinig ang pangalan ng dalaga. Parang gusto na niyang babaan ito ng linya ngunit sa isang banda ay gusto niyang malaman kung ano ang pakay nito't lakas loob itong tumawag sa kanya, "Oh, ano ang atin?" kaswal niyang saad dito sa kabila ng kanyang sama ng loob sa dalaga.

"Can we meet? I know masyadong makapal ang mukha ko para humingi sayo ng pabor, pero we really need to talk Valeen..."

Kung tutuusin ay ayaw na sanang kausapin pa ito ni Val ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag-iisip ay muling nagsalita si Leverie.

"It's about Nathan..." dagdag pa nito kaya't wala sa sariling napasagot siya nang,

"Sure, meet me at Sweet's Cafè. I'll be there in 15 minutes." aniya bago pinutol ang linya ng telepono.

Makalipas ang labing limang minuto ay narating ni Valeen ang establisyamentong kanilang napag-usapan. Lilinga-linga siyang tumingin sa palagid nang biglang may tumawag sa kanyang telepono. Nakita niyang tumatawag si Steven at nang akmang sasagutin na niya ito ay may biglang humawak sa kanyang kaliwang braso.

"Hi Valeen." nakangiting bati ni Leverie bago humalik sa kanyang pisngi. "I'm glad you've made it, akala ko hindi ka sisipot." dagdag pa nito bago ikinawit ang kamay sa braso ng dalaga.

Mabilis namang binawi ni Valeen ang braso niya dito sabay sabing, "Leverie, I have to take this call, first. Susunod na lang ako sa table natin."

The Unexpected Affection ✔️ (COMPLETE) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang