The Unexpected Affection: 1

16.5K 544 37
                                    

*****

"The best kind of Love, starts with an unexpected hello."

*****


Biyernes nang gabi sa Luxurious Bar, habang masaya't abala ang lahat sa kani-kanilang pamamaraan kung paano ipagdiwang ang araw ng mga puso, ay may isang dalaga na tahimik na umiiyak dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

"Argh!" nagpupuyos sa galit na turan ni Val habang hawak nito ang baso ng alak na kanyang iniinom. Patuloy lang sa pagtulo ang kanyang mga luha dahil sa panloloko ng long time boyfriend/fiancè niyang si Nathan.

"D*mn you Nate! A-anong ginawa kong kasalanan, b-bakit mo ako niloko!" humahagulgol na bulyaw ng dalaga sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Hindi alintana ng dalaga ang mga taong nagsasaya sa kanyang paligid. Tanging poot, galit at sakit lamang ang kanyang nararamdaman at nangingibabaw ngayon sa kanyang buong sistema.

"Hi Miss, are you alone?" nakangiting bungad sa kanya ng isang binata saka naupo sa tabi niyang upuan sa bar counter.

Namumungay ang mga matang tiningnan lang ito ni Val saka sarkastikong ngumiti sa binata, "Obvious ba Kuya?!" saad niya saka muling itinuon ang atensyon sa kanyang ininom. Inisang lagok ng dalaga ang natitirang alak sa kanyang baso sabay sabing, "Waiter, one more please."

Napangiti naman ng palihim ang binata sa inasta ni Val, kaya't mabilis niya itong hinarap saka naghalumbaba sa bar counter, "Feisty ey." nakangising saad nito na animo'y nakakaloko.

Marahan naman itong nilingong muli ni Val saka napataas ang gilid ng labi na parang nasusuklam, "Tsss..." napapailing na inirapan na lang ito ng dalaga saka muling sumimsim ng alak.

"Hahaha!" halakhak nito. "I'm Steven, by the way." nakangiting wika nito saka inilahad ang kanyang palad.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli naman itong binalingan ng dalaga, bago pinaikot ang kanyang upuan para maharap ang binata, "L-listen... Wala ako sa mood na makipag-getting to know you each other portion na 'yan. H-heartbroken ako ngayon, kaya 'wag kang m-makulit d'yan. Nang-aano ka eh." walang prenong pagtataray ni Val bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.

Nakita naman ni Steven na lasing na ang dalaga dahil sa itsura nito ngayon, na hindi makabalanse sa kanyang pagtayo, "Where are you going, Kitten?" nag-aalalang sambit ng binata at maagap na nasalo sa siko ang dalaga dahil kamuntikan na itong matumba.


Mabilis namang tumayo si Val sa kanyang pagkaka-out of balance at nang makabawi ay madali niyang ibinaba ang kanyang black mini dress, na bahagyang tumaas bago nilingon ang binata, "Girls Room, bakit sasama ka?" nakataas ang kilay na usal niya rito.

"Is that an invitation?" nakangising saad ni Steven bago kinabig sa bewang ang dalaga.

"Ay palaka!" sigaw ni Val dahil sa ginawang pagkabig nito, dahilan para mapayakap siya sa binata. Sandaling nagkatitigan ang dalawa at nang makita niyang pinaglalapit na ni Steven ang kanilang mga labi ay mabilis na umalma ang dalaga. "Manyak!" namumula ang mga pisnging sambit niya rito saka kumawala sa kanyang pagkakayapos sa binata.

The Unexpected Affection ✔️ (COMPLETE) Where stories live. Discover now