Chapter 22: Samuel and Trap

10.7K 601 83
                                    

✦✧✦

LEON

***

Journal entry no. 147: August 16, 2000

Ako, si Samuel Terrence, tatlumpu't tatlong taong gulang, Chief Detective ng NBI, head ng Special Intelligence Unit, ay may ibabahaging napakahalagang pangyayari sa buhay ko.

Ngayon lang ako nakakilala ng ganitong katapang na bata. Ang pangalan niya ay Trap. Labing-apat na taong gulang pa lang siya, pero wala siyang inaatrasan. Hindi siya takot humawak ng baril at lumusot sa mga panganib. Isa siya sa mga batang pinalaki ng Crossed Bones. Ang mga magulang niya mismo ang nagbenta sa kaniya.

Pinangalanan siyang 'Trap' ng organisasyong 'yon. Simula pagkabata, inensayo at tinuruan na siya nang husto ng Crossed Bones. Matindi ang mga training sa organisasyong 'yon. Bata ka pa lang, hinuhulma ka nang maging kriminal.

Hindi na panibago sa NBI ang organisasyong 'yon. Matagal na namin silang sinusubukang hulihin, kaso sadyang mahirap silang mahanap. Hindi sila basta-basta. Bawat kilos nila ay planado.

Si Trap ay isa sa mga 'ace' ng Crossed Bones. Matinik siya at mapanukso. Hindi mo aakalain dahil bata pa lang siya. Pero sa mga kilos niya, alam mo nang hindi siya dapat maliitin. Iyon ang mga nakalap kong impormasyon base sa mga research ko.

Lagi ko siyang sinusundan sa tuwing nagnanakaw siya ng tinapay sa bakery o naghihintay ng makukupitan sa eskinita.

Nakuha niya ang interes ko. Napakahusay niya. Humahanga ako sa kaniya bagamat alam kong mali ang ginagawa niya. Hindi ko siya masisisi, dahil lumaki siyang marumi ang mga gawain ng mga tao sa paligid niya.

Binenta siya ng mga magulang niya, at bata pa lang siya, sinanay na siyang gumawa ng krimen. Kaya naman hindi ko maiwasang maawa sa batang 'to.

"Hoy, tanda."

Nagulat ako. Napansin niya palang sinusundan ko siya.

"A-Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya habang binababaan ang suot kong sombrero para hindi niya ako mamukhaan.

"Ano'ng problema mo? Kanina ka pa tingin nang tingin sa'kin? Tch," sabi sa'kin ng batang si Trap.

"Wala naman. Napansin ko lang kung gaano karumi ang suot mo," sagot ko sa kaniya at itinuro ang damit niya.

Tumingin siya sa suot niyang damit na butas-butas. "Wala kang pakialam!"

Itutulak niya sana ako kaso nasalo ko ang kamay niya. Nagulat siya.

"B-Bitawan mo ang kamay ko!" Pilit niyang inaagaw ang kamay niya ngunit mas malakas ako.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" Binitawan ko na 'yong kamay niya.

He snarked, "Bakit? May pera ka ba? Ibigay mo na lang sa'kin 'yong pera. Hindi ko tatanggapin 'yong pagkain."

Natutuwa akong makipag-usap sa kaniya kaya tinuloy ko ang pagtatanong sa batang ito. "Kanino mo naman ibibigay ang pera mo? May pinagsisilbihan ka ba?"

Bigla siyang natawa. Nagtaka naman ako.

"Ayos ka lang? Wala akong pagbibigyan ng pera! Meron lang akong gustong bilhin," mayabang niyang sagot.

"Bilhin? Ano naman ang gustong bilhin ng isang batang katulad mo maliban sa pagkain?"

"Tch. Wala ka na do'n! Kung hindi ka magbibigay ng pera, lumayas ka na sa harap ko." Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya.

Nagtago ako sa sulok pero sinusundan ko pa rin si Trap. Nakita kong napatigil siya sa tapat ng isang jewelry shop at nakatitig sa isang necklace na pambabae.

'Yon ba 'yong balak niyang bilhin? Kanino niya naman ibibigay 'yon?

"Trap!" Biglang may dumating na isang batang babae. Mga kasing-edaran lang ni Trap. Nakasuot siya ng isang uniform. At alam na alam ko ang uniporme na 'yon.

'Yon ay ang sinusuot ng mga babaeng nagtatrabaho sa mga sikretong club ng Crossed Bones. Kawawa rin ang isang babaeng 'to. Malamang pinagtrabaho siya sa isang club para makakuha ng mga impormasyon. Sa kilos pa lang ng batang babae, alam ko na kung saang bahagi siya ng Crossed Bones. Isa siyang spy.

"C-Carmen!" The young Trap blushed. "Ikaw pala."

"Wala ka pa ring nananakaw na malaki-laking pera?" The little girl sighed. "Gusto ko talaga 'yang necklace na 'yan eh," sinabi ng batang babae habang nakayakap kay Trap. Nakikita ko namang namumula si Trap.

"M-Magnanakaw pa 'ko nang marami para sa'yo!" The boy promised.

"Talaga? Yaay! I love you!" sabi ni Carmen sabay kiss sa pisngi ni Trap.

Ginanahan naman 'yong batang lalake at nagpatuloy na sa trabaho niya.

Hay. Napakabilis namang paikutin ng Trap na 'yon. Akala ko pa naman ay wala siyang kahinaan. Meron pala, itong babaeng tinatawag niyang Carmen.

Naging habit ko na ang pagsunod kay Trap. Noong una, trabaho ko lang ito bilang NBI. Na-assign sa akin ang pagmamasid sa batang 'to, pero sa loob-loob ko, ginagawa ko 'to dahil na rin sa sarili kong interes. Gusto ko pang makilala si Trap Xanders.

Journal entry no. 148: August 17, 2000

Ayon sa mga impormasyong nakalap ko, binigyan ng malaking misyon ng Crossed Bones si Trap.

Inutusan siyang pagbayaran si Karlo Jacinto ng utang niya sa Crossed Bones. Paano ko nasabing malaking misyon iyon? Dahil sa isang hindi kilalang isla nagtatago ang Karlo na 'yon. Pero napag-alaman ng Crossed Bones ang kaniyang lokasyon at pinaglakbay nila nang mag-isa si Trap sa isla na 'yon.

Sinabihan siya ng Crossed Bones kung paano makakarating sa islang 'yon. Sa pamamagitan ng pagsakay sa barko. Kaso walang binigay na pamasahe ang Crossed Bones sa kaniya. Tanging baril lang ang pinabaon sa bata.

Paano ngayon siya makakasakay ng barko? Bumili ako ng ticket at lumulan na sa barko. Hinahanap ng mga mata ko kung nasa'n si Trap, pero hindi ko siya makita.

"Mahusay. Mahusay na bata." 'Yon ang mga salitang nabitawan ko nang mahuli ko siyang natutulog kasama ng mga kahon ng pagkain sa ilalim ng barko. Hatinggabi na 'yon noong nagpasya akong maglibot sa barko dahil hindi ako makatulog.

Bigla siyang nagising. Nilabas niya ang kaniyang baril at tinutok sa'kin. "I-Ikaw? Ikaw na naman? Ano'ng ginagawa mo rito? Hanggang ngayon sinusundan mo pa rin ako?"

Hindi agad ako nakapagsalita.

"Kung isa kang pulis, bakit hindi mo pa 'ko hinuhuli?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi ko rin alam kung bakit. Sa totoo lang, gusto pa nga kitang matulungan eh."

Binaba niya ang baril niya at lumapit sa'kin. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ko 'yong tinago ko roon. Tinapat ko ito sa mukha niya at ngumisi.

"Shit! Ito 'yong necklace na gusto kong bilhin!" he yelled in surprise.

"Oo. Pero malas mo lang dahil nabili ko na," I laughed.

"Ano bang balak mo? Alam kong sinadya mo 'yang bilhin para hamakin ako!" Inis na si Trap.

"Hamakin?" I gave him an honest smile. "'Wag kang mag-alala. Ang totoo niyan, balak ko nga 'tong ibigay sa'yo eh."

"Tch. Tapos ano'ng kapalit?"

Ngumiti ulit ako sa kaniya at nagsabing, "Hayaan mo 'kong tulungan kita sa misyon mo."


Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon