Kabanata 24

125K 3.9K 3.1K
                                    

Kabanata 24
(NPR)






Hindi ko alam kung anu-anong mga kulay ng bahaghari ang aking nararamdaman ngayon, hindi ko rin alam kung paano ko naramdamang maging makulay gayong lumuluha naman ang mga mata.

Inangatan ko siya ng tingin na bahagyang nakaupo sa harapan ng aking tuhod, pinapanuod ang bawat gagawing kilos ng aking ekpresyon. I saw him raising a brow, natatalo akong nagbagsak ng tingin sa aking kamay na hawak niya sa ibabaw ng hita ko.

Wala akong sinabi, wala ako ni isang salitang naisagot sa kanyang hinihiling kanina pero tila awtomatiko ang aking katahimikang iyon para sa kanya. Silence means a lot, maaaring oo o hindi, ano roon ang kanyang nakuhang sagot sa katihimikan?

Wala ako sa sarili, hindi ko alam ang dapat na isagot o maging desisyon dahil sa kanyang sinabi.

I inhaled deeply while watching his hand slowly playing with my fingers. My heart clenched happily, hindi ko alam saan nagmula ang excitement na nagpapahilab ng aking tiyan sa kaba at iba pa.

Kung masusuka ako dito, paniguaradong rainbow. Tss, ang corny, Hase.

"I'm going back to work now." he said softly.

Marahan akong nag angat ng tingin para hindi halata ang pagkagulat at panghihinayang. I nodded slowly.

"Okay..."

"Okay, you'll give me a chance?" hopeful niyang sinabi.

Namilog ang mga mata ko at agad napasinghap. 

"Bumalik ka na sa trabaho!" sabay tulak ko sa kanyang balikat.

He pouted slightly while looking at me, his eyes stayed dark but the difference now is, it has stars that made my heart flutter even more. Huminga ako ng malalim at inirapan siya.

"Okay, I'll get back now." he said again at tumayo.

Napatingala ako sa kanya, nilahad niya ang kanyang kamay para sa akin. Sinimangutan ko siya at ako mag-isa ang tumayo.

He chuckled and held my hip, ngumuso ako at tinaliman lalo ang tingin sa kanya pero hindi niya iyon inalis. Nakanguso siyang tumitig sa akin.

"I'll text you, magreply ka." aniya na tila nagmamaktol.

"Bakit pa? Nandoon naman si Raf-" agad akong napaubo at tumikhim. "Nandoon ka naman sa opisina, hindi iyon p-pwede."

A ghost of teasing smirk played on his lips immediately, kinabahan agad ako at napailing habang nag-iinit ang pisngi.

"At paano mo nalaman ang numero ko?" mapang akusa kong tanong para maiba ang usapan.

Nakakahiya talaga na iyon pa ang nauna kong nasabi. Hindi pa naman kami ayos pero naalala ko pa si Rafaela at tunog mapait pa, bahala siya kung ano ang iisipin niya. At least, 'di ba, alam niya.

Bahala rin siya kung anong gusto niyang gawin sa sekretarya dahil wala naman akong karapatang kwestiyunin iyon kahit ano ang mangyari. Yes, I don't want that but I have nothing to say.

"Iniiba pa, e." iling niya. "So you dated your puppy earlier because of that, hmmm?"

"Ang kapal mo naman! Wala akong pakealam sa inyo!" marahas kong inalis ang kamay niya sa aking balakang.

Villareal #1: No Place RatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon