Kabanata 23

116K 4.3K 2.3K
                                    

Hi, for those who are confused: Linus (Lay-nus)

Kabanata 23
(NPR)



Yup, I'm that bird. The bird they were talking about, the bird who had been well cared by the owner but suddenly confused about the real one and the trap because it looks the same and yes, I'm that bird who have been trapped effortlessly.

Marahan niyang hinawi ang mga damit sa aking kama para igilid at doon siya naupo habang buhat parin ako nang walang kahirap-hirap, napalunok ako at nanatiling kalmado ngunit ang puso ay naghahampas sa aking dibdib. His entwined hands rested behind my butt, caging me in between.

Sobrang init ng pisngi ko pero hindi man lang makakilos para umalis sa kanyang hita, I looked like a tiny kid. Sa malapad niyang pangangatawan na halos hindi ako makakawala sa simpleng paraan lang.

"Are you going out?" he asked in a low deep voice.

Bigla kong naalala si Jerald, namilog ang mga mata ko at mabilis kumalas sa kanya. Nadinig ko pa ang buntong hininga niya, wala pa man sa kalahati ng aking paglayo ay hinuli niya ang kamay ko para muling ibalik sa kanyang harapan.

He looked tired and hurt.

"Don't go..." he said softly.

Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay sa kanya, nag-iinit ang pisngi ko dahil bulgar parin ang pamumula ng kanyang labing basa.

"At sino ka para utusan ako?" pasinghal ko tanong.

He raised a brow while looking at me intently.

"Gusto mo na naman bang mahalikan?"

Napasinghap ako sa hiya, pagalit ko siyang tiningnan.

"Don't you dare! Ang kapal kapal mo talaga, Linus! Baka nakakalimutan mong marami kayong nanloko sakin? Unfair iyon kung ikaw nakakahalik agad at nakakausap ako ng ganito!" inis at mapait kong sinabi.

Iyon na nga, Hase. Bakit ang lambot lambot mo parin at hindi siya matanggihan? He lied to me but here I am, still loving him.

"Italia, huwag kang nagtatapang mas lalo akong nabubuhayan." he sighed heavily. "Calm down and talk all you want, just not with that angry face."

Mas lalo akong napasinghap at nagalit, sinipa ko ang binti niya at dinuro siya. He just sighed tiredly while watching me. Hindi man lang ininda ang sipa ko.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! Sinong hindi magagalit na niloko, huh? Sige nga, ilista mo sila nang mapuntahan ko at manghingi ng advice kung paano kumalma habang nagagalit!" sarkastikong sambit ko.

Napakakapal ng mukha niya para sabihin iyon. Nabubuhayan kapag nagtatapang ako? Bakit, mamamatay ba siya kapag kumalma ako? Hindi naman, 'di ba?

He chuckled and shook his head slightly, pumikit ako ng mariin nang marinig ko ang katok sa aking pintuan.

"Manang, pakisabi pong baba-"

"Hase, are you done?" boses ni Jerald iyon.

Namilog ang mga mata ko sa gulat, napatingin ako kay Linus na nakukunot na ang noo at matalim ang mga mata. He glanced at the door behind me and was about to talk but I immediately covered his mouth, matalim ko siyang tiningan.

Villareal #1: No Place RatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon