Simula

485K 8.7K 2.7K
                                    

I write typical and predictable stories. If your taste is unique, you can't find it here. I'm not a professional writer and still learning, I am not here to please you. I just simply wanna share for FREE. So please, if you're a perfectionist who wants to read a very clean novel with perfect grammar and plot, leave my works.
•••

Simula

Isang umagang napupuno ng iba't ibang kulay sa paligid ang aking nadatnan pagkalabas ng silid. Sa maliit na barung-barong ay napagkasya ang ginagawang Christmas Tree ng aking dalawang kapatid na nakababata.

Buwan ng Disyembre, nalalapit ang pasko at bagong taon ngunit wala parin akong pagbabagong nakikita sa aking buhay, masaya parin ako... masayang masaya.

Bigla akong napaisip kung matatapos ang taon na ito ay matatapos na rin ba ang aking sobrang kasiyahan?

"Hi!" masigla kong bati sa dalawa habang lumalapit.

Sila ay nasa elementarya pa lamang, nag-aaral sa isang publikong paaralan malapit lamang sa Lo Santa kung saan ako nagtapos ng highschool, mga taon ang nakalipas. I had my childhood here in Isla Verde, katulad nila ay nakagawian ko rin ang gumawa mag-isa ng mga palamuti tuwing nalalapit ang kapaskuhan.

Ang kaibahan lamang ay hindi para sa aming tahanan kundi para sa aking sarili, nagbebenta ako sa mga turistang nagagawi sa aming probinsya. Iniipon ko iyon para sa susunod na taon ay may pambili ng mga kwaderno at lapis sa eskwela.

Hindi madali ang buhay. Hindi madaling mabuhay.

They looked at me with wide eyes, minsan gusto kong isipin na nagulat silang narito ako ngayon pero malabo iyon.

"Nanay!" tumili ang isa kong kapatid, iyong sumunod sa akin.

"Nanay! Nanay! Si Ital ay narito!" tumitili siya na parang kinakabahan.

Napabuntong hininga ako at humalukipkip. Mula sa aming kusina ay nadinig ko agad ang mabilis na yabag, humahagos papalapit.

"Ano kamo?" nanggagalaiting singhal ni Nanay.

Hearing her voice for the first time in five months again is really comforting, I guess she is alright. Healthy and strong. I am happy to know that.

My heart clenched but I remained standing where I am, waiting for her. Nakita ko na siyang lumabas mula sa maliit na lagusan patungo sa aming kusina. Mauling ang kanyang suot na baro at mga kamay ay agad na sumugod sa akin.

Mas lalong napatili ang aking mga kapatid nang mabilis akong abutin ni Nanay at sampalin, narinig ko ang lagutok noon sa aking pisngi. Napapikit ako at muling bumuntong hininga, ininda ang hapdi.

Welcome back, Hase...

"Anong ginagawa mo rito? Tapos ka ng magputa sa Maynila, ha!?"

I smiled a bit.

"Thank God, you're okay. Nanay, dito po sana ako magpapasko hanggang bagong tao-"

Muli akong nakatanggap ng sampal, mag-asawa na. Hindi na malungkot ang isa kong pisngi, huminga ako ng malalim at pinakalma lamang ang sarili. Nagyuko ako ng ulo habang kunot ang noo.

She's really okay, she's very strong and kicking. Magiging panatag na ako roon, mas masaya pa akong masampal at nararamdaman ang kalakasan niya ngayon. But I want to have my Christmas and New Year with them.

Sana... kung mapagbibigyan...

"Hindi ka pwede rito! Saan ka natulog? Sa hating gabi ka talaga pumupuslit, ano? Para hindi ka makita at mapalayas agad!" sigaw niya. "Lumayas ka ngayon! Hindi ka tanggap dito! Bumalik ka sa Maynila at magputa!"

Villareal #1: No Place RatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon