Kabanata 9

136K 4K 1.4K
                                    


Kabanata 9
(NPR)






"Ikaw, huh? Pumayag na ba si Hassena?"

Nadinig ko ang marahang pagbibiro sa boses ni Tita Vanessa mula sa tanggapan, kinagat ko ang labi ko at binagalan ang paglalakad. Maingat akong nagtago sa isang shelf para makinig.

"Yes, Tita. Mamaya po ay baka dumaan muna kami kila Sister Lina para ipaalam rin siya."

Dinungaw ko ang isang salamin doon para makita sila, Nessa was sitting beside Tita Vanessa and Rius is in front of them. Halos mahiya ako sa kasambahay nila Nessa na taka akong dinaanan at tumungo sa tanggapan para maglahad ng mga inumin.

Hilaw ko lang siyang nginitian, bagong kasambahay iyon nila Nessa at hindi pa masyadong malapit sa amin. Madalas kasi sa mga kasambahay nila Nessa noon ay nakakausap ko at malapit sa amin, heto ay mukhang mahiyain at bata sa amin ng ilang taon.

Tita Vane nodded at Rius and smiled.

"So it's a date? Dalawa lang kayo, e." .

Nakita ko ang pagkaubo ni Rius saglit, bigla siyang pumormal at huminga ng malalim dahil sa naitanong. Sasagot na sana siya pero naunahan na ni Nessa ng isang tawa.

"Mommy, hayaan mo na po. For sure, hindi naman sila gagabihin at alam ni Rius ang limitiation ni Hase pagdating kila Sister Gina."

Rius just gave a slight smile. Naglagay ng inumin ang kasambahay sa harapan ni Rius at sa mag-ina. Nagtagal ang tingin noon kay Rius at biglang tila natulala, umalis siya agad doon na pakurap-kurap ang mga mata.

Napailing ako at natawa.

"Kayo na ba ni Hassena?"

Halos mabuwal ako sa aking pinagtataguan dahil sa tanong ni Tita Vane, namilog ang mga mata ko at ang init ng pisngi ay parang sinisilaban sa bonfire.

Suminghap si Nessa at napasapo sa kanyang noo, walang kurap-kurap na nilipat ko ang tingin kay Rius na kalmado lang sa ganoong tanong.

"U-Uh, t-tawagin ko na si Hase-"

"Bababa iyon ng kusa, Nessa. Nagtatanong pa ako." sambit ni Tita Vane habang na kay Rius lamang ang mga mata.

Nag-init ng husto ang pisngi ko at parang nawawalan ng balak na magpakita pa ngayon. Damn, I don't even know if we're still the old Hase and Rius! Kung gusto parin ba niya ako o naaawa na lang siya ngayon sa akin at ayaw iwanan ng biglaan.

"I like her, Tita." kalmadong pag-amin ni Rius.

My heart pounded harshly. Gusto kong tumakbo sa back yard at tumalon sa pool dahil sa sagot niya. My face is heating so bad that I might burn into ashes right now!

He already told me that thrice? I'm not sure but it's always have the same feelings and reaction! Nakakahiya! Nakakainis dahil parang tanga na!

Nagkatinginan ang mag-ina, kunot ang noo ni Nessa sa Mommy niya. Tita Nessa inhaled deeply and looked at Rius again.

"But I heard you're dating someone? Nasisiguro kong doktor iyon at tapos sa pag-aaral na mula rin sa pamilyang marangya?" Tita said like a statement she's very sure of.

Villareal #1: No Place RatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon