Chapter 7

134 6 1
                                    

Suho's Pov 

 Natahimik kaming lahat ng umalis ang kapatid ko. Agad namang sumunod si Sandara na natataranta pa at mukhang nagsisi sa sinabi niya. Hanggang sa makaalis sila ay hindi kami kumikibo. 

"Pano yan hyung? Anong gagawin mo gusto pala ni Suzy si Luhan." Basag ni Kai sa katahimikan. 

"Hindi ko alam." Maski ako hindi ko alam ang gagawin ko. 

"Sa tingin ko naman hindi siy kilala ni Luhan kaya walang problema." Saad naman ni Xiumin. Napatango naman sila maliban samin ni Baekhyun pansin ko ang pananahimik ng katabi ko, pero hindi ko nalang pinansin pa dahil mas busy ako sa pag-iisip sa kapatid ko. 

"May point dun si Xiumin pero maganda si Suzy, sikat din siya dito sa school pano kung malaman ni Luhan gusto pala niya si Suzy diba?" Saad naman ni D.O 

"Pano kung sabihin mo kay Suzy na wag niya ng gustuhin ang bts at si Luhan. Kuya ka naman niya hyung kaya susunod yun." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Tao. 

"Alam niyo namang hindi nako susundin ng kapatid ko, hanggang ngayon nga nagtatampo padin siya sakin. Tsaka pag inutos ko yun baka hindi naman niya ko sundin or worst magalit siya sakin. Ayokong mangyare yun ayokong magalit sakin ang kapatid ko." Malungkot na saad ko, kahit na alam ko namang galit na sakin ang kapatid ko. 

Sa totoo lang miss na miss ko na siya akala ko pag magkakasama na kami sa iisang bahay babalik na kami sa dati kaso hindi mas lalo siyang lumalayo sakin. 

 Tahimik kaming nag-iisip lahat ng padabog na tumayo si Baekhyun. Nagulat kaming lahat ng makita masama ang mukha niya at napansin ko ang nakayukom niyang kamao. 

Isa lang ibig sabihin nito galit na galit siya? Pero bakit naman ano dahilan? 

"Tan ka pupunta Baekhyun?" Agad na tanong ni Sehun pero hindi siya o kami pinansin ni Baekhyun at agad na umalis ng canteen! 

Nagkatinginan kaming lahat. 

"Nako selos yun." Makahulugang sabi ni Xiumin at tumawa. 

"Huh?" Takang tanong namin pero hindi na niya kami sinagot. Ngumisi lang siya. 

"Wag na muna siguro natin isipin ang about dun a bts at sa kapatid ko, ako ng bahala kung dumating man ang araw na mapalapit siya sa bts. Kahit alam kung magagalit siya palalayuin ko siya sa bts lalo na kay Luhan sa ayaw at sa gusto niya." Saad ko ng ikinatango nila. 

Napagpasyahan naming pumunta ng tambayan at baka sakaling makita si Baekhyun pero wala kaya dumiretso nalang kami ng room. 

As usual hindi mawawala ang mga babaeng tili ng tili at pinagtitinginan kami ang iba pa ay kinukunan kami ng litrato. Napailing nalang ako. 

Pagpasok namin sa room ay agad na hinanap ng mata ko ang kapatid ko na agad ko namang nakita. Tahimik lang siya sa isang sulok at mukhang malalim ang iniisip. 

Ano bang nasa isip mo Princess? Gustong malaman ni Kuya. Napabuntong hininga akung umupo sa upuan ko at nakatingin kung nasaan ang kapatid ko. Kung ayos siguro kami alam ko lahat ng iniisip niya.

Bukod kase kay Sandara ako ang sinasabihan niya ng mga iniisip o problema niya. Lahat sinasabi niya sakin pero ngayon hindi na at nasasaktan ako dahil dun. 

Napabuntong hininga nalang ako dahil pakiramdam ko nangingilid ang luha ko, masyado kaseng mababaw ang luha ko pagdating sa kapatid ko. 

Naramdaman kung may humawak sa balikat ko, pagtingin ko ay nag-aalalang mukha nila Lay ang bumungad sakin. 

"Ayos kalang ba?" Malungkot na tanong nila. Napatawa nalang ako ng mapait. Kahit pala gangster nakakaramdam ng ganito? Hindi naman ako ganito eh pero pagdating sa kapatid ko nagiging mahina ako. 

Living with EXO (OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon