Chapter 37: The Blushing Bride

Start from the beginning
                                    

No! That's my first class too! Don't tell me...arrgh! This is too much!

And there was an uproar again pagpasok niya, like what happened when we first saw him at the canteen. Nagkagulo ang mga estudyante. Everyone welcomed him. Except for me.

I took a deep breath before I enter the room. Hindi nila ako napansin. All eyes were on him. Akala mo superstar ang kaharap nila. Hindi ko nga siya kilala.

I can go that wild siguro kung si Ian Somerhalder pa yan. Or Jamie Dornan. Sisigaw ako ng bongga at ikikiss ko sila sabay hug.

"Haley!"

Si Jess. At nalipat siya sa bandang dulo.

"Hi!" bati ko.

We should be sitting together.

"Ba't ka dyan nakaupo?" tanong ko.

"Si Irish ang nilipat sa upuan ko kasi lumalabo ang mata niya para mas malapit sa board." sabi nito.

Sana ako na lang ang nilipat. Ayoko sa unahan. Kitang kita ako pag hindi ako nakikinig.

"May itatanong pero ako,'wag ka munang titingin ha?Anong ginagawa ng asungot na yan dito?" pabulong kong sabi.

Hindi pa ako tapos magsalita lumingon na agad ang bruha. Kasasabi ko lang na wag tumingin. At saktong nakatingin siya amin. Baka isipin nito na siya ang pinag uusapan namin. Kulang na lang kurutin ko sa singit si Jess sa inis.

" Hehe sorry. Hindi ko natiis eh. May one available slot sa klase natin, wala na nga si Vanessa 'di ba. Siya yung kapalit. He was with us pag alis mo. And brace yourself, classmate natin siya sa halos lahat ng subjects natin."

"Whatt?!"

At parang tuwang tuwa pa siya habang ako ay nanggigil sa inis. Ibig sabihin halos buong maghapon kung makikita ang pagmumukha ng asungot na'to? OA na kung OA, but I don't care. Napalakas ang boses ko. And everyone was staring at me. Tila noon lang nila napansin ang presence ko.

"Welcome back!" bati ni Swirly.

"Pasalubong naman!" sigaw ni Grace.

"Wow! Blooming ah! Kumusta ang honeymoon?" sabi ni Reeza, ang pinaka green minded sa buong klase. Nagtawanan sila bukod kay asungot kasi hindi niya naget ang usapan.

" Uy wag kayong ganyan nagbublush na tuloy si Haley." natatawa akong pinagtanggol ni Irish.

"Later na yung pasalubong." sagot ko.

Bago pa bumalik sa honeymoon ang topic. Inirapan ko lang si Reeza. I'm sure hindi ako titigilan nito mamaya. She'll bombard me with questions about the details of the honeymoon.

" Good morning! Back to your seats guys!"

Badtrip. Dumating pa si Prof. Akala ko absent.

"Class we'll have a short quiz!"

Umigay ang klase. Hindi man lang bumati sa teacher. Ikaw ba naman ang bigyan ng quiz nang ganito kaaga, babati ka pa kaya.

" Quiet! This will be quick, 10 items lang naman ito. It's about your assignment."

Malas. Ano'ng alam ko dun?

At may naramdaman akong mainit na hangin na dumapo sa gilid ng leeg ko.

"May extra ka bang paper?"

I almost kissed him when I turned around. Kung hindi ako napaatras ng konti baka nga nahalikan ko siya. Sayang. Napangiti ako. Kahit naiinis ako, umiiral pa rin ang kapilyahan ko.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Where stories live. Discover now