Umangat ang kamay niya para hapuin ang noo ko, gusto ko sanang umiwas pero huli na. Nagulat pa ako nang ngumiwi siya at naniwala sa aking sinabi.

"Mainit ka nga. May gamot ka ba diyan? Should I buy you first before going? Hindi ka kasi makakalabas na ganyan ang pakiramdam."

I felt a sudden guilt. I sighed heavily and smiled slightly.

"I'll be fine, thank you. Sa susunod nalang tayo manuod kapag naging maayos na ako," nakangiti kong sinabi at sinsero.

Wala naman akong sakit at kung ano man ang sinabi niyang mainit ako ay baka lang iyon sa aking galit kay Linus.

He nodded and smiled.

"Anytime, I'll wait for that time..."

I waved my hand at him, nang makaalis na siya ay napabuntong hininga ako at nakaramdam ng kalungkutan dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya. I shouldn't lie but what can I do? Hindi ako makakatakas kay Linus lalo pa't narito siya.

Paniguradong gagawin niya iyong sinabi kaninang magpapakita Kay Jerald, ayaw ko na matsismis lalo iyon. To think that we just talked about Linus earlier! Hindi ko pa nakakalimutan pero wala akong balak sabihin iyon.

Binuksan ko na ulit ang pintuan para makapasok, halos mapatalon ako nang makita siyang nakatayo sa gilid at tila kanina pa roong naghihintay o nakikinig sa pinag-uusapan ng nasa labas.

"Ano bang ginagawa mo diyan!? Tsismoso ka!" singhal ko sabay bagsak ng pinto.

"You promised him to watch next time?" he asked coldly while looking at me.

Iritado akong kumamot sa ulo at dumiretso sa fridge para makainom ng tubig, naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

Ano bang pakealam niyang kung sumama ako kay Jerald? Nauna rin naman ang usapan namin kung hindi lang siya papansin at nagpunta rito!

"Pinapaasa mo lang iyong tuta," malamig niyang panunuya.

"Ang sama ng ugali mo! Hindi siya tuta! Tsismoso ka, kung ayaw mong makarinig ng ganoon huwag kang makinig! At wala kang karapatan para sabihin ang mga iyan!" pagalit kong sinabi.

Tuta? Si Jerald? Siya nga ang mas mukhang tuta ngayon na sumunod pa rito at sapilitang pinagkasya ang sarili niya. Mabuti sana kung cute siya baka inampon ko pa.

"Paasa..." pasaring niya pa at umismid.

Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi ko sa sobrang iritasyon.

"Umalis ka na, pwede ba?!" inis na inis kong pagtataboy.

Ako pa ang paasa?

"Huwag kang paasa, pwede ba?" pagbabalik niya sa malamig na tinig.

Suminghap ako at nginisian siya ng mapait.

"Okay, Linus. Hindi ko siya paaasahin dahil sasagutin ko siya kapag nanligaw. Ayos ka na? Hindi ko siya papaasahin! Kaya ikaw, umalis ka na dahil ayaw kong makita ang pagmumukha mo rito!"

Hindi kaya siya ang paasa? He made me believe that they were one! Well, yes, they have the same name Demetrius but they are not the same person! Magkaibang magkaiba sa pagkatao pero dahil masaya ako ay hindi ko pinag-iisipan ng masama at nagsisinungaling na pala sa akin.

Villareal #1: No Place RatherWhere stories live. Discover now