"Don't you dare talk!" I hissed, nilingon ko ang pintuan. "Wait lang, Jerald. I'm going out, pakihintay nalang ako sa sal-"

Linus gave a quick peck on my lips that startled me sabay hila sa aking baywang, agad akong napatalikod mula sa kanya nang ipihit ako at ihulog sa kanyang kandungan. Bumilis ang paghinga ko.

His arms immediately snaked around my waist while holding my hand. Lumapat ang labi niya sa aking tainga na ikinatindig ng balahibo ko.

"Tell him to watch the fireworks alone." he whispered coldly.

Inis akong nagpumiglas sa kanyang yakap. His hug tightened around me, almost squeezing my body. Hindi na ako makahinga ng maayos pero ramdam ko ang kakuntentuhan sa ganitong posisyon. Nakakainis pero totoo.

"We will talk, ayaw ko ng may tutang nakahabol sayo." nadinigan ko ng iritasyon ang kanyang boses. "Tell him now or I'll go out and face your puppy."

Napasinghap ako at mabilis kinabahan dahil sa kanyang sinabi. Halos marandaman ko ang kabiguan dahil mukhang gagawin niya ang lahat ng sinabi kahit pa makita siyang narito ng kanyang empleyado.

"Let me go." mariin kong sambit.

"Tss," hindi niya ako pinakawalan.

I wriggled irritatingly. "Kakausapin ko siya, pakawalan mo ako!"

He's like a kid, iyong pasaway na bata. Isip bata!

"Can't you just shout? Ako nga nasisigawan mo, e."

Wow, inutusan pa ako.

"Dahil karapat-dapat kang sigawan!" I spat.

Unti-unting lumuwag ang kanyang hawak, he sighed heavily and looked at me seriously. Nang masulyapan ko ay nakita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata.

"Talk to him without smiling para hindi umasa." he said quietly and seriously.

Seriously!? Baliw ba 'to?

Ngumiwi ako at mabilis siyang tinulak para iwanan roon dahil sa walang katuturan niyang pinagsasabi, agad akong lumabas ng silid at sinara ang pintuan para ikulong siya roon. Nakita ko agad si Jerald na nakahilig sa pader habang nakatingin sa kanyang wristwatch.

Nang makita ako ay napaayos ng pagkakatayo, his eyes scanned me. Kumunot agad ang noo niya nang makita ang suot kong pangtulog. Samantalang siya ay handang handa na sa aming pupuntahan, this is the first time I saw him in casual clothes hindi normal sa madalas na suit and tie.

I smiled weakly.

"Hi." I greeted.

He bit his lower lip, mukhang alam na niya na hindi ako makakasama pero iba parin ang kanyang tinanong.

"Hindi ka pa tapos magbihis? I can wait..." he smiled gently.

Huminga ako ng malalim at hilaw na ngumiti.

"Sorry, Jerald. Sumama kasi ang pakiramdam ko, maybe we can watch it together next time?" pampalubag loob ko sa kanya.

Nahihiya talaga ako na hindi makakasama at naabala pa siya sa pagsundo sa akin ngayon. I even said sure earlier!

Villareal #1: No Place RatherWhere stories live. Discover now